Akala ng mga American moviegoer ang The Wolf of Wall Street ang magbibigay kay Leonardo DiCaprio ng kanyang long-awaited trophy. Tinalo siya ni Matthew McConaughey as best actor for Dallas Buyers Club. Another disappointing bid for the multi-awarded actor who has never won an Oscar.
Siyempre ang most welcomed winner sa ating bansa ay ang Fil-Am composer na si Robert Lopez for the best song category to the animated film, Frozen, para sa kantang Let It Go. Kahit hindi pinalad si Robert sa Golden Globes, siya naman ang nagwagi sa most coveted Oscars.
Rose maiiwan-iwan ang karelasyong tibo, concert sa Israel at Australia nakalinya na
Lampas na palang 30 years ang long-distance love affair ng The X Factor Israel na si Rose FosÂtanes sa kanyang girlfriend na si Mel Adel, na hitsurang lalaki talaga. ’Buti tumagal ang kanilang relasyon kahit bihirang magkita.
Muli silang nagkasama nang kumbidahin sa finals ng talent search si Mel.
Ang kanilang maikling reunion sa bansa, tiyak na mapuputol agad. May forthcoming na dalawang live concerts si Rose sa Israel at isa sa Australia.
Pangako ng Pinay singing champion, patuloy ang kanyang pagiging caregiver sa kanyang mabait na among Israeli kapag libre siya sa kanyang singing career.
‘‘Dahil sa kanya, kaya ako nagwagi sa X Factor Israel. Binigay niya ang todo suporta sa akin sa kabuuan ng timpalak,’’ sabi ni Rose.
Monique kinilala ang galing sa teatro ng pinanggalingang school
Si Monique Wilson ang pagkakalooban ng Hildegarde Lifetime AchieveÂment Award for media and the performing arts ng St. Scholastica’s College on March 8.
Kinilala ng kanyang alma mater ang achievements ng actress/international star. Naging bida siya sa mga stage musical na Miss Saigon, at ibang plays. As a female rights activist, naging spokesperson si Monique ng GabÂriela.
Tatlong taon pa lang si Monique ay lumalabas na siya sa mga play ng Repertory Philippines.
Young couple ingat na ingat sa relasyon, loyal fans pinalalayas kahit sa family affair
Pinagbawalan ng isang network ang young couple na hindi mapigilang ilantad sa publiko ang kanilang relasyon. Ayaw kasi ng kanilang home channel na masira ang love team na nag-build up sa ibang kapareha.
Kapag magkasama ang dalawa kahit sa isang pampamilyang okasyon, ingat na ingat ang mga kamag-anak nila kaya kahit mga avid fan ay pinalalabas sa venue ng event.
Lumang building tuluyan nang gigibain nang wala pang gaanong souvenir
Tinanggal na ang metal name plaque at time capsule sa harap ng El Hogar building sa may paanan ng Jones Bridge sa Maynila. Tila mahirap nang ma-preserve ang landmark at gigibain na.
Dapat magkaroon ng mga pictorial ang mga movie at fashion maÂgazine. Isang bagong building ang itatayo roon kaya maglalaho na sa ating paningin ang turn-of-the century edifice.
Mayamang showbiz personality pinalayas ang indie production na nagsyu-shoot sa tabi ng sosyal na bahay
Galit na galit ang isang rich showbiz personality nang mag-shooting sa tabi ng bahay niya ang isang indie production. Bigla siyang tumawag ng authorities at pinalayas sa location ang kawawang production.
Agad namang umalis ang mga artista’t crew dahil nakiusap lang sila para kunan ang ilang important scenes sa posh neighborhood.
Young actress ni ayaw magpahawak ng kamay in public pero may katabi pala sa kamang poging aktor!
Bakit mayroon pang mga artista na ginagawang big deal ang kiÂssÂÂÂing scene sa kanilang teledrama o pelikula with their leading men?
Tulad ni Kathryn Bernardo na ayaw pumayag na mahalikan ng partner sa harap ng camera.
Para bang sumikat siya noong early ’60s, sa panahon nina Susan Roces, Amalia Fuentes, at Tessie Agana.
Naalala ko tuloy ang isang young actress na kahit hawakan ang kamay in public ay umiiwas. Pero ang siste, may natutulog pala sa kama niyang isang poging artista!
Ang tawag doon, mahinhing talipandas!