It is really hard to cope with misery and move on, lalo’t ang pumanaw ay mahal na mahal mo. Si Ogie Alcasid mismo ang nagkuwento na hirap pa si Regine Velasquez to get over with the great loss of his dad, Mang Gerry.
Ang sabi ni Ogie, kumukuha ng lakas si Regine sa kanyang pamilya, lalo na sa kanilang anak na si Nate. Nahihirapan pa ang Songbird na humarap sa live audience, na hindi mapigilan ang pagluha.
Michael Christian P30,000 ang kailangan sa ensayo araw-araw
Muntik na palang hindi matuloy noon ang historic performance ni Michael Christian Martinez sa figure skating finals ng Winter Olympics sa Iceberg Skating Palace in Sochi, Russia.
Nagkaroon ng injury ang unang Pinoy at Southeast Asian na pumasok sa finals ng worldwide contest sa kanyang preliminary show. Pinigilan siya ng Olympics doctor na tumuloy sa finals. Gusto ng mga official doon, mag-withdraw na si Michael.
Nagpilit lang ang magiting na Pinoy at sinabing kaya niya, kaya pinayagan.
Tuloy ang kanyang ensayo para lumaban sa isang timpalak sa South Korea at sa World Junior Skating Championship sa Bulgaria this March. Hanggang ngayon ay naghahanap pa si Michael ng mga sponsor upang tustusan ang magastos niyang pagsasanay.
Kailangan niya ang at least P30,000 sa isang araw para ibaÂyad sa inaarkilang skating rink at sa kanyang coaches and trainers. (FYI : Naglunsad po ang The Philippine Star ng fund-raising campaign for Michael Christian Martinez. For those interested to give financial assistance that will go a long way in providing Michael the training he needs, please deposit directly to the following accounts:
Bank of the Philippine Islands
Account Name: Maria Teresa Martinez
Account #3160-0014-87
Swift Code – BOPI PHMM
Address: National Road, Muntinlupa City, Philippines
Branch Code - 316
Banco de Oro
Account Name: Maria Teresa Martinez
Account #000208015854
Swift Code - BNORPHMM
Branch Code - 020
Address: Alabang, Muntinlupa, Philippines
Ang deposit slips ay puwede pong i-e-mail sa contactus@philstar.com.ph for acknowledgment and will be sent to Michael’s family. - SVA)
Justin dinaig pa ang kriminal sa Florida, pinaghubad
at ikinulong
Daig pa pala ang kriminal sa tinanggap na treatment ni Justin Bieber nang mahuli sa Florida na driving under the influence at expired na ang driving license.
Kinapkapan siya sa buong katawan at pinagÂhubad pa ng sapatos at medyas at ikinulong sa isang detention cell!
Anne kulay sariwang bisugo ang kaliskis
Ipinapakita na sa TV ang bagong Dyesebel na si Anne Curtis. Maganda ang kanyang simpleng costume at kulay sariwang bisugo ang kaliskis ng bahaging sirena ng katawan ng aktres.
Kasali sa formidable cast sina Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta, AiAi delas Alas, at Gerald Anderson as Fredo. Hindi lang natin alam kung sino ang gaganap na bruhang si Bangenge.
Fil-Am composer inaabangan kung mananalo sa Oscars
Malalaman na natin sa Lunes ng umaga kung si Robert Lopez ang unang Fil/Am ang magwawagi ng Oscars award. Finalist ang kanyang kantang Let It Go (from Frozen) sa best song category. March 2 ang Academy Awards pero sa susunod na araw pa ito sa ating bansa.
Kung nakapangampanya ng husto si Lopez to get enough votes to take home an Oscar statue, magdiriwang ng husto ang mga Pinoy sa Hollywood at sa buong Amerika.
Inaabangan na rin ang mga isusuot na damit ng mga star habang papasok sila sa red carpet. Sino kaya ang maging scene stealer? Last year, humaba ang exposure ng Chanel gown ni Jennifer Lawrence nang siya ay madapa. Sino naman kayang mga Pinoy designer ang malalagay sa limelight dahil isusuot ng mga popular star ang kanilang creations?
Composer nina Kuh at Gary bibida sa concert-tribute sa New York
Isang concert-tribute to Cecille Azarcon ang itatanghal sa New York’s Symphony Space on April 27. Itatampok ang mga hit song ng lady tune weaver in 35 years, tulad ng Even If, How Did You Know, at I Think I’m In Love.
Malamang na makasali sa mga performer ang mga popular artist na naglabas ng hit records ng mga kanta ni Cecille, tulad nina Kuh Ledesma at Gary Valenciano. Magiging big event ito ng Fil/Am community sa New York City at itatampok din ang Manila sound sa show.
Young actress nagmukhang ate ni Maricel
Nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan si Maricel Soriano noong Feb. 25.
Higit na younger looking ngayon si Maria. Kaya nang makaeksena niya ang isang young actress, nagmukhang ate ni Maricel ang kasama nang sila’y i-close up!