^

Pang Movies

Sarah at GMA, malapit na malapit nang magkasundo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Matapos ma-dismiss ni Assistant City Prosecutor Nicazio Rosales ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong nai-file ng actress na si Sarah Lahbati laban kay GMA Films president Atty. Anna Teresa “Annette” Gozon-Abro­gar last Feb. 12, balitang nag-first meeting na sina Atty. Annette at Sarah. Hudyat na ba ito ng pagkakabati ng dalawa?  Kung sabagay, sabi naman ni Atty. Annette, basta sincere naman sa pakikipagbati si Sarah, hindi naman siya tatangging makipag-usap dito. Hoping na naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap. 

Ang alam namin ay ipinahiram si Sarah ng GMA Artist Center sa TV5 sa pakikipag-usap ni Ms. Wilma Galvante, head ng Entertainment TV ng Ka­patid Network kay Ms. Gigi Santiago-Lara, head ng GMA Artist Center, para sa isang movie for TV project na tatampukan ng aktres.

Kristoffer gustong pangatawanan na last showbiz GF na si Joyce

Pangangatawanan daw ni Kristoffer Martin na si Joyce Ching na ang last showbiz girlfriend niya nang mabisita namin sa taping ng kanilang Paraiso Ko’Y Ikaw nila nina Kim Rodriguez at Joyce. Nilinaw na ni Kristoffer ang issue tungkol sa nawalang friendship ring niya at napunta naman sa kanya ang friendship ring ni Joyce. Hindi raw niya binawi iyon kay Joyce, hiningi lamang niya sa ex-girlfriend at sa kanya na raw lamang. 

Na-solve na rin ni Kristoffer ang relasyon niya sa parents ni Joyce, alam daw niyang nasaktan ang mga ito dahil almost three years din ang maganda nilang pagsasamahan na nauwi lamang sa break-up nila ni Joyce. Ngayon, maganda na ulit ang samahan nila.

Nami-miss na rin nina Kristoffer at Kim ang dati nilang location sa Botolan, Zambales dahil parang paraiso talaga ang lugar, kahit mahirap mag-taping dahil mainit.  Biniro tuloy ang dalawa na baka may something na magandang nangyari sa kanila sa location. 

Hindi kaya nanligaw si Kristoffer kay Kim dahil pareho naman silang        single? Ang sagot ay wala raw.

Napapanood ang Paraiso Ko’y Ikaw bago ang 24 Oras sa GMA 7.

 

vuukle comment

ANNA TERESA

ANNETTE

ARTIST CENTER

ASSISTANT CITY PROSECUTOR NICAZIO ROSALES

JOYCE

JOYCE CHING

KRISTOFFER

PARAISO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with