Finally inamin na rin ni Mark Herras na may anak na nga siya. Isang batang babae na tatlong buwang gulang pa lamang at may pangaÂlang Ada. Inamin ni Mark na mas matanda sa kanya ng limang taon ang nanay ni Ada pero hindi niya sinabi kung sino. Maliwanag na sa ngayon ay wala sa balak ni Mark na pakasalan ang nanay ng kanyang anak pero sinabi niyang susuportahan niya ang bata.
Nauna riyan, may kumalat na ngang mga tsismis noon na may anak na siya, at sabi pa nga ang nanay ng kanyang anak ay kasamahan din nila, may kinalaman din sa kanyang career. Pero ang lahat ng iyon ay ikinaila niya noong una.
Ngayon inaamin na niyang ayaw na niyang itago pa ang kanyang anak. Ayaw na niyang magsinungaling, at kasabay noon humingi siya ng tawad sa kanyang naging girlfriend na si Ynna Assistio, sa mga magulang nito at iba pang mga kaanak, na sinasabi niyang alam niyang nasaktan dahil sa kanyang pagkakamali. Girlfriend pa niya si Ynna nang mabuntis niya ang nanay ni Ada, at nag-break lang sila nang maipanganak na ang bata.
Ewan lang namin, sino ba ang nagsabi o nagturo sa mga artistang ’yan na masisira ang kanilang career kung may anak na sila. Dahil sa maling paniniwalang iyon, itinatago nila ang mga ganyang bagay. Pero isang magandang halimbawa nga sa mga matinee idols si Aga Muhlach. Nagdaan din naman siya sa ganyan pero dahil mahusay namang umarte, at malakas talaga ang kanyang fan base, hindi siya nasira. In fact, pagkatapos nga noon at saka pa siya sumikat ng husto eh.
Kabawasan ng dolyares hindi ininda sa pagdating ng Red Hot…
Hindi natin masyadong naramdaman sa Metro Manila dahil inilagay nga nila ang kanilang music festival sa Clark, Pampanga para maiwasan na nga raw ang traffic, at saka wala silang makukuhang lugar dito na magkakasya ang gano’n karaming tao na nanood ng serye ng concert na iyon na pinangunahan ng bandang Red Hot Chili Peppers.
Ang mahal nang tinawag nilang day pass, kahit na ang mga single pass nila, at hindi namin akalain na may mga taong bibili ng gano’n kamamahal na tickets pero marami pala. Mukhang kuntento naman ang lahat ng mga nakapanood dahil sa kanilang kuwento, talagang isang event ng buhay nila ang makita ng live ang Red Hot Chili Peppers sa Pilipinas, na noong una ay itsinismis pa sa Internet site na hindi raw darating.
Tiyak na milyong dolyar din naman ang naibaÂyad sa talent fee ng mga foreign artist. Kung iisipin ay sayang dahil kabawasan na naman iyon sa ating dollar reserves. Pero wala tayong magagawa eh dahil nangyari na at sinuportahan ng mga mahilig sa musika.
Aktres gusto na namang humingi ng pera sa kanyang network, ubos na kasi sa bisyo at dyowa
Nagwawala na naman daw ang isang female star dahil ubos na naman ang kanyang pera. Paano na nga ba ang mga bisyo niya? Paano na rin ang boyfriend niyang kailangan niyang sustentuhan?
Ngayon nagwawala na naman siya na hindi raw sinusunod ng network ang usapan nila. Mukhang gusto na namang humirit ng pera.