Napapanood na si Jennica Garcia sa Carmela na pinagbibidahan ni Marian Rivera na sobrang payat na. Pa’no ba naman busy din pala ang anak ni Jean Garcia sa kanyang online business na Vanilla Whiskers Pet Bakery.
Pagkatapos mag-aral ni Jennica nung November ng baking at umatend siya ng ilang seminars patungkol dito ay nagtayo na siya ng sarili niyang online business.
Kakaiba ang kanyang negosyo dahil gumagawa siya ng mga cake para sa mga party ng mga alagang aso o pusa ng kanyang mga customer. Ang nakakalokang part, kinakarir niya ang mga order dahil request ng mga client niya ay gawing kamukhang-kamukha ng kanilang mga alagang aso o pusa ang ginagawa niyang cake.
’Kaaliw ang kanyang ginagawang cakes base sa mga picture sa kanyang Instagram account kasama ang mga cute na larawan din ng pets mula sa mga umorder. Imagine, ang orders kay Jennica ay nakakarating pa sa iba’t ibang probinsiya kaya pinapadala niya ang mga cake by LBC. Case to case rin dahil depende sa order na minsan ay pinapi-pick up lang niya o pinapa-deliver sa bahay ng mga customer. Tumatanggap pa rin siya ng order na birthday cake or cookies para sa mga tao pero mas maraming demand mula sa mga may-ari ng mga sosyal na aso at pusa.
Kaya huwag nang magtaka sa pangangayayat ni Jennica dahil kinakarir niya ang kanyang pet bakery business kahit busy din sa kanyang showbiz career.
Buboy Villar hindi agad nage-expect ng award
Biglang napasigaw si Buboy Villar sa tanong kung may chance siyang manalong best actor sa first Cinemalaya Independent Film Festival entry nito na sisimulan ang story conference bukas, araw ng Linggo.
“Wala!†matunog na sigaw nito.
Masayang-masaya na ang bagets na first time maging bida sa Cinemalaya entry na Children’s Hours na si Roderick Carido ang director. Ganitong project daw ang gusto niyang gawin dahil nakakatrabaho niya ang mga mabibigat na theater actor at marami raw siyang natututunan.
“Huwag munang best actor agad-agad. Marami pa akong kakaining bigas,†paliwanag ni Buboy.
Meron din siyang dalawa pang indie films na gagawin na pinamagatang Barya Boys at Dota O Ako: The Movie na sisimulan din niyang gawin sa April.