Aktres ubod ng plastic kapag kaharap ang press

Plastikada ang aktres na ito na very sweet siya, friendly, at ang laki ng bibig kung ngumiti sa mga tao lalo na kung may movie press. Pero kapag wala, nakangiwi at nagmumura! Istorbo raw!

Pwe ka rin!

Vice Ganda hindi mawawalan kahit isnabinang kasal ni Karylle

Sa thank you party sa press ni Vice Ganda kamakailan ay isang magandang gay comedian ang humarap sa amin at walang katapusang pasasalamat ang ginawa niya. Well-prepared si Vice kahit sobrang busy niya.

Next week kasi ay lilipad siya for California, USA at ilang karatig-lugar para sa one week concert niya kaya mami-miss siya sa It’s Showtime. Pero mapapanood pa rin natin siya sa kanyang Sunday show na Gandang Gabi Vice dahil may mga advanced taping siya bago siya umalis.

Hindi pa raw sure kung dadalo si Vice Ganda sa kasal nina Karylle at Yael Yuzon kung iimbitahan siya dahil nagpatawad na raw siya. Kami, sagot namin, ’wag na lang siyang dumalo.

Magbigay ka na lang Vice ng gift at best wishes card. At pray for their happiness and success in life. Walang mawawala sa ’yo kahit hindi ka dumalo.

Show comments