^

Pang Movies

‘Semi-brokenhearted’ ng isang araw: Kris sinabihang ayaw nang makita at makausap ng naging suitor!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos kumpirmahin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na nag-i-entertain na siya ng suitor ngayon, bigla naman nitong binawi at sinabing “semi-brokenhearted” na siya pagkatapos sabihin sa kanya ng guy na ayaw na raw siyang makita nito.

Sa episode ng Kris TV kahapon, Monday, ay naikuwento nito kina Pokwang at Erich Gonzales ang nangyari sa kanyang love life.

“Ang sad. It hurts kasi ako ang nasabihan na ‘I ne­ver want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung puwede ko lang talaga ma-rewind at ma-edit kung ano ang nangyari. Nasabihan ako talaga. Kina-shocked ko talaga. ‘Yun din ang sinabi ko, ‘Ouch, how harsh,” diretsong kuwento ni Kris.

“Pero at least walang lokohan... Siguro grabe rin ang nasabi ko at inaamin ko na mayroon din akong fault,” paliwanag pa nito.

Agad naman daw siyang naka-recover at isang araw lamang siyang naging malungkot.

 â€œKagabi ipinagdasal ko talaga, ‘Don’t let me be bitter, God,’” sambit pa nito.

Binigyan din naman daw siya ng advice ng kanyang mga kapatid kaya naging magaan na sa kanya ang lahat.

“Sinabi ng ate ko kagabi, ‘Well, he had a courage to take you out and like you so that’s why malakas din ang loob niya to tell you na ayaw na niya sa iyo.’ Reality. Sabi ng ate ko, ‘If he doesn’t like my sister he’s not good enough for my sister.’ Sabi ko, ‘Tama, ate.’

“’Tapos sabi ko, ‘Ate ’di man lang pinaabot sa birthday ko. Nakakainis. Doon ako buwisit na buwisit talaga,” sabi pa nito.

Pero sa kabila ng nangyari, hindi pa rin daw siya sumusuko sa pag-ibig.

“Fault ko rin naman kasi ’di ba if you won’t give yourself a chance, how will you ever get a chance? I’m giving myself a chance,” diin ni Kris.

               

 

vuukle comment

BINIGYAN

ERICH GONZALES

KAGABI

KRIS AQUINO

MATAPOS

PERO

QUEEN OF ALL MEDIA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with