Andi at Jaclyn walang pakialaman kahit magkasama sa bahay!

Hindi pala mahilig sa comedy si Andi Eigenmann, pero natuwa siya, for a change, after ng mga dramatic roles niya, nang ibigay sa kanya ng Viva Films ang comedy movie nila, ang Bob Ong’s Nakakabasa Na Pala Ako, at for the first time, nakatambal niya si Jericho Rosales. Masaya ang movie na dinirek ni Mark Meily dahil parang binalikan daw nila ang kanilang elementary at high school days, plus situational comedy ito kaya mas madaling gawin.

Truthfully namang sinagot ni Andi ang tanong tungkol sa relasyon nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose na mukhang matagal-tagal na ring nangyari, pero hindi pa pala sila nag-uusap hanggang ngayon, kahit pa magkasama silang nakatira sa iisang bahay. Dumaan pala ang Pasko at Bagong Taon na hindi sila magkasabay man lamang kumain. Alam daw niya bilang isang anak, siya ang gagawa ng first move na makipagbati, bilang respeto niya sa ina, pero parang hindi pa raw ngayon ang tamang panahon. Darating daw ang tamang araw at oras at siya nga ang gagawa ng paraan na muli silang mag-usap.

Inamin din ni Andi na nami-miss niya ang kuwentuhan nilang mag-ina dahil very close naman sila talaga at hindi mawawala ang respeto niya sa ina dahil mahal na mahal niya ito. 

Para kay Andi, si Jaclyn ang the greatest woman in her life, pero hindi raw talaga maiiwasan kung minsan na magkaroon ng hindi pagkakasundo. At patapos niyang sinabi na, “don’t worry, she is my mom.”

Showing na sa February 19 ang Nakakabasa Na Pala Ako.

Luis Alandy hanggang crush lang kay Jennylyn

Loveless si Luis Alandy noong birthday niya, February 7, sa presscon ng new afternoon prime niyang Innamorata. Katatapos lamang ng break-up nila ng non-showbiz girlfriend niya based in Canada, after three years, kaya biniro namin si Luis if true na crush niya si Jennylyn Mercado at type ba niyang ligawan?

 â€œNo, noon ko pa crush si Jennylyn, pero that time, may girlfriend ako,” sagot ni Luis.  “Saka crush lamang naman pero gusto ko siyang makatrabaho, hindi pa kami nagkakaroon ng chance na magkatambal. Saka I don’t get involved with my leading lady, kaya iyong sabing niligawan ko si Sheena (Halili) nung ginagawa namin ang Binoy Henyo, hindi po totoo iyon. Friends lamang kami talaga, kaya nga hanggang ngayon, lumalabas pa rin kami nina Sheena at Rich (Asuncion) kung wala kaming work.”

Bulag ang role ni Luis as Edwin at na-in love siya kay Esperanza (Max Collins) na may skin disease. 

Mapapanood na simula sa February 17, after Villa Quintana ang mystical love story na Innamorata sa direksiyon ni Don Michael Perez.

Show comments