Na-delay ang interbyu namin kahapon ni Papa Ricky Lo kay Vhong Navarro dahil nanggaling pa siya sa Department of Justice.
Nagpang-abot pa kami ni Mama Korina Sanchez sa lugar ng interbyuhan dahil may schedule din siya.
Hindi lamang si Mama Koring ang dumating dahil nagpang-abot din sila nina Ted Failon at Julius Babao.
Nag-check out na kahapon si Vhong mula sa ospital.
Gulat na gulat si Vhong nang lumabas siya dahil sa dami ng mga tao na sumalubong sa kanya.
Ang sey ni Vhong, lalong lumakas ang loob niya na ipaglaban ang katotohanan dahil sa suporta na ipinakita ng mga tao.
Hindi napigilan ni Vhong ang mapaluha nang pasalamatan niya ang mga tao na sumusuporta sa kanÂya.
Paulit-ulit din na nag-sorry si Vhong sa kanyang girlfriend at nag-promise na magiging faithful na siya.
Kasama ni Vhong sa interbyu ang kanyang dyowa na hindi ko na papangalanan para maprotektahan ang privacy niya.
Umapir din sa interbyu kay Vhong si Mother Lily Monteverde at ang anak nito na si Roselle.
Halos maluha si Mother nang magkita sila ni Vhong. Nagbiro naman si Chito Roño na papipirmahin na ni Mother ng 4-picture contract si Vhong.
Walang message si Vhong para kina Deniece Cornejo at Cedric Lee.
Sariwa pa kay Vhong ang nangyari kaya hindi pa madali sa kanya ang magpatawad.
Natawa si Vhong nang sabihin ko na umiwas na siya sa mga babae na humihingi ng “foodsâ€!