Vic P5 M ang binigay kay Ryzza Mae, Kris P2 M lang!
Nakita ko kahapon sa isang coffee shop si Ryzza Mae Dizon at ang nanay niya kaya nalaman ko na P2 million ang bonus na natanggap ng bagets mula kay Kris Aquino bilang bonus sa kanyang participation sa My Little Bossings.
Nag-promise rin daw si Kris na ito ang bibili ng mga gamit para sa kanilang bagong bahay.
May nakita nang bahay ang mag-ina na gusto nilang bilhin pero tumatawad pa sila.
Kung P2 million ang ibinigay ni Kris kay Ryzza, P5 million naman ang gibsung na bonus ni Vic Sotto sa bagets.
Ganyan ka-generous si Bossing Vic pero hindi ko pa nararanasan ang generosity niya.
Buong industriya na-back up kay Vhong
Naglabas ng official statement ang iba’t ibang sektor ng local movie industry bilang suporta kay Vhong Navarro.
Nakapirma sa official statement sina Leo Martinez, Joel Lamangan, Wilson Tieng, June Rufino, Rez Cortez, Boots Anson Roa, at Orly Ilacad.
Ito ang official statement na ipinadala sa akin:
On January 24, 2014 the entire Philippine entertainment industry was shocked to learn of the horrible incident involving TV host-actor Vhong Navarro. No one has any right to inflict torture on anyone regardless of his economic or social standing in society. Let the law prevail, let the court decide.
In view of this, the undersigned leaders and officers representing the various sectors of the Philippine entertainment industry, unilaterally regret and denounce the brutal attack against our colleague, Mr. Navarro. We likewise express full support in his plea for justice.
We fervently urge the concerned government agencies to put an end to the thriving culture of violence and impunity and diminishing sense of humanity in our country.
Solenn agree na magaganda sana ang anak nila ni Derek
SOS for Sinner or Saint ang title ng second album ni Solenn Heussaff na nakakuwentuhan ko nang matagal kahapon.
Bilib na bilib ako kay Solenn dahil napaka-down-to-earth niya kaya hindi nakapagtataka na pantasya siya nang halos ng lahat ng kalalakihan.
Crush na crush si Solenn ng magkapatid na Andrei at Kobe Paras ha?
Sinabi ko nga kay Solenn na kung nagkatuluyan sila ni Derek Ramsay, tiyak na maganda ang kanilang magiging anak. Nag-agree naman si Solenn sa sinabi ko.
Special guest nga pala si SoÂlenn sa Samahang Wala Ka-VaÂlentine, ang three-night VaÂlentine show ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa February 13, 14, at 15.
- Latest