Dahil kay Sarah, Matteo masaya pa sa masaya!

Malabo pa rin sa entertainment press kung may relasyon na ba sina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo dahil na rin sa mga sagot ng aktor sa presscon ng The Biggest Loser: Pinoy Edition Doubles na isa siya sa challenge masters.

Basta aniya ay very special daw sa kanya si Sarah at hindi rin niya masagot kung in love ba siya ngayon.

“Basta inspired ako ngayon, masaya naman,” he said.

Alam naman ni Matteo na may gusto pang marinig ang entertainment press pero say niya, “Gusto ko talagang sagutin ang tanong ninyo pero hindi ko talaga masagot nga­yon dahil maraming reasons.

“When the day comes. Gusto ko talaga sabihin eh pero I just wanna respect other people also. I just wanna respect their families, my family, and everything.”

Say pa ng aktor, basta masaya siya ngayon at nang matanong kung gaano siya kasaya, “Mas masaya pa sa masaya.”

Si Sarah daw ang nagsisilbing inspiras­yon sa kanya at aminado naman siyang matagal na niyang crush ang dalaga.

Dahil nga na-hurt na si Sarah sa mga dati niyang nakarelasyon, masasabi ba niyang hindi niya sasak­tan ang Pop Princess at magiging loyal boyfriend siya kung sakali?

“Basta ako naman, bilang isang tao po, bilang isang lalaki, ’pag nagmahal ako talagang todo-todo at nandun ako parati,” sagot niya.

Sa presscon din ay nagkuwento sina Iza Calzado at Robi Domingo pati na ang mag-asawang fitness coaches na sina Jim and Toni Saret kung ano’ng influence ang nagagawa nila sa kani-kanilang real-life partners to stay fit and healthy.

Pagdating kay Matteo, aniya, hindi pa naman daw niya nakakasamang mag-workout si Sarah.

“Siyempre kung may partner kami sa buhay, mas gusto ko na magkasama kami sa workout, ma-influence ko siya sa fitness — mag-bike, mag-swim or kahit anong workout fitness.

“Siyempre gusto ko rin na ’yung partner ko maging fit at maging sexy din. As of now, my training is always with my coach and my father. He’s my partner for now. Wala pa akong partner na babae na kasama sa workout,” pahayag ni Matteo.

Samantala, magsisimula na ang The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles sa Feb. 3 hosted by Iza.

Piolo at Toni may ‘unfinished business’

Kakaibang love story naman ang mapapanood kina Piolo Pascual and Toni Gonzaga sa pelikulang Starting Over Again sapagkat nangangahas ang Star Cine­ma na baguhin ang paniniwala na bawat romantic film ay dapat magkaroon ng “happily ever after” para sa mga karakter nito.

Naglalayong ipakita ng pelikula ang katotohanan na bawat desisyon ng tao ay may kaukulang epekto na dapat tanggapin ng sinuman at hindi lahat ay pinagpala na magkaroon ng ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.

Valentine offering ng Star Cinema ang Starting Over Again na ipalalabas ngayong araw ng mga Puso bilang bahagi pa rin ng 20th anniversary ng produksiyon mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

Show comments