Jodi fresh at flawless pa rin kahit ngarag
Flawless, the leading clinic for face, body and aesthetic medical services, has chosen Jodi Santamaria to be the face of their new campaign for 2014, Alagang Flawless.
Although the popular star of Be Careful With My Heart has heard how Flawless takes care of its customer, thus producing the best result in skin care, Jodi started consulting its clinic just last year, sobrang saya ni Jodi na siya ang newest member ng Flawess family.
Lubhang abala sa kanyang career, kasama pa ang sariling negosÂyo, pag-aaral at pag-aalaga sa kanyang anak, madalas magmukhang haggard ang aktres. Na-solve agad ang problemang ito sa kanyang palagiang pagbisita sa Flawless.
Paborito niya ang Cell Infusion Mask tuwing nagpapa-service sa Flawless. Pagkatanggal ng nasabing mask sa kanyang mukha, magaan ang feeling ni Jodi at makinis hawakan ang face, bukod sa mukhang kay linis-linis.
Ang gusto pa ni Jodi sa Flawless, affordable ang mga services dito at puwedeng tangkilikin ng masa. Kaya maraming Flawless branches sa mga malls, na madaling puntahan.
Ang CEO ng Flawless na si Ms. Rubby Sy ang mismong pumili kay Jodi para maging endorser ng Alagang Flawless. “I am one of her fans at palagi akong nanonood ng Be Careful With My Heart. With Jodi’s appeal, lahat ng uri ng mga clients, makaka-relate sa kanya. With her beauty and clear skin, kita agad ang epekto ng Alagang Flawless sa kanya.â€
With Alagang Flawless, Rubby and her expert staff give the best beauty services to celebrities and ordinary people alike, lalo na sa mga young ladies na naÂdagdagan ang confidence with Flawless giving them the best skin care.
Abusadong aktres mahilig mangutang ng mamahaling pampaganda sa isang beauty clinic
Merong isang aktres na panay ang konsulta sa isang skin clinic ng libre. Dahil may pangalan, pinapayagan naman siya.
Kaya lang kumukuha siya ng mga mamahaling beauty products na pinaliÂlista at OPM na babayaran niya.
Abuso ang aktres dahil tambak na ang utang, ayaw man lang magbayad kahit partial. Ang mabait na doktorang may-ari ng clinic ayaw naman maningil. Sa staff lang niya namin narinig ang reklamo.
Senior aktres naimbyerna nang apihin ang pangalan sa billing
Nagreklamo ang isang wrangler (maÂtanda) na aktres nang ilagay ang pangalan ng kanyang co-star na equally over the hill, ahead of hers.
Para matigil na lang, pinagpalit ang billing niya with the other actress. May katwiran naman siya dahil pumasok siya sa showbiz na higit na nauna sa kanyang kasama.
Pati ang haba ng role nila sa project, pinagpantay din, para matigil ang lola.
Maricel laging buntis ang pakiramdam
Nagkaila si Maricel Soriano na gusto niyang ibalik sa Metro Manila Film Festival ang kanyang best actress trophy. She treasures the award kaya kung may mga taong ang feeling ay hindi niya deserved ito, problema na nila ‘yun, ayon kay Maria.
Sa tanong na kung anong parte ng kanyang katawan ang gusto niyang baguhin, agad niyang sinagot ang malalaki niyang braso at medyo malaking puson.
“Pakiramdam ko, lagi akong two months pregnant.â€
- Latest