Jodi mahilig magpa-plantsa ng tiyan

MANILA, Philippines - Bonggang press launch ang inihandog ni Rubby Sy, chief executive officer ng Flawless, kahapon sa Cities Events Place, para sa bagong endorser na si Jodi Sta. Maria sa bago nitong campaign na Alagang Flawless. Aminado si Rubby na follower siya ng Be Careful With My Heart ni Jodi na sa I Want TV niya madalas panoorin.

“Favorite ko si Jodi. Favorite ko ang Be Careful With My Heart. Alam ni Jodi ’yan. You could see naman that she is maalaga sa sarili. Sa family niya and the way she portray her role in the series,” paliwanag ni Rubby.

Ang personalized service naman ng Flawless ang isa sa nagustuhan ng aktres. Hindi kasi inuulit ang mga gamit na binibigay sa bawat customer. Ang paggamit ng machine na pinaplantsa ang tiyan ang madalas ipa-treat ni Jodi sa Flawless.

“So, magi-get rid ang fats and at the same time, magtu-tone ang skin mo sa tummy area. Na-try ko pa naman siya once. Oo naman nag-lose naman kaya nakakatuwa,” say naman ni Jodi.

Alagang Flawless ba ang personal life niya kay Jolo Revilla?

“Ano po sa palagay ninyo? Hahaha!” tanong na sagot sa amin ng aktres.

Eh sa lalaki ba, rugged o flawless ang gusto niyang hitsura?

“Honestly, hindi naman actually nagma-matter sa akin ang physical looks. Hindi mo masyadong nagma-matter ’yung physical appearance.

“It doesn’t matter kung flawless siya o rugged as long as we get along well. Mahal ka ng tao. I think that’s okay,” rason niya.

Hindi ba naapektuhan ang tiyan niya sa pagpaplantsa rito?

“Hindi naman po!” sagot niya at natawa.

Puwede ba niyang irekomenda ang pagpapapayat ng tiyan kay Jolo?

“Puwede ko siyang isama sa center kung gusto niya,” tugon ng aktres.

Sa totoo lang, hindi lang aktres si Jodi. Meron din siyang mga negosyo kaya hectic din ang schedule niya. Meron dahil marunong siyang maghati-hati ng oras, hindi siya nawawalan ng oras sa boyfriend.

“Alam ko naman po ang mga role ko sa life. Siyempre, ’yung mga taong nakapaligid sa akin, alam din nila ’yon. Managing your time well, categorize, support, and understanding! ’Yun po ang mga sangkap para maayos po ang lahat!” katuwiran ni Jodi.

Ang pag-alis ng mga rason ng stress ang dahilan kung bakit maganda ang aura ngayon ni Jodi.

“To take out all the negativity. Maging positive lang po,” say niya.

Eh ano ang masasabi niya nung lumabas ang balitang buntis siya pero idinenay agad ni Jolo?

“Hindi naman ako nagulat doon. Hinayaan ko na lang. Maybe ’yung mga tao, naa-associate nila ’yung nangyayari sa real life ko roon sa cha­racter ko. There was a time when I got sick. Eh incorporated sa story na ’yung character ko nagkasakit din.

“So, I think na-confuse lang ang iba? Hinayaan ko na lang kasi hindi naman totoo.

“At least, nakakatuwa ’yung gesture ni Jolo na ginawa niya na once and for all malagyan ng tuldok sa isyu ng pregnancy,” katwiran pa ni Jodi.

Show comments