Anne naudlot sa dalawang leading men

MANILA, Philippines - Isa si Anne Curtis sa pinakamalapit na kaibigan ni Vhong Navarro dahil matagal na silang magkasama sa programang It’s Showtime kaya naman labis na apektado ang dalaga sa trahedyang sinapit ng kaibigan. Noong January 25 ay nag-alay din ng dasal ang staff and crew ng It’s Showtime at doon ay naging emosyonal talaga si Anne. Bumuhos din ang suporta ng mga taong nagmamahal kay Vhong sa iba’t ibang social networking sites at lahat ay naghahanap ng katarungan sa sinapit ng TV host, actor, at magaling na dancer.

“We’re all very sad. Nakakapanghina. Devastated.

“But we’re happy he’s safe and we’re looking forward to his speedy recovery and to continue to pray for him, too,” pahayag ni Anne.

Samantala, tungkol naman sa career ni Anne, sobrang saya niya dahil sa sunud-sunod na blessings na kanyang natatanggap. Ang mga isyu na kanyang pinagdaanan partikular na ang ‘sampalan issue’ na kanyang kinasangkutan sa isang bar ay tuluyan na raw niyang kinalimutan.

“Yes, I’ve left all of that in 2013 and I’m moving on for a greater 2014.

“Actually, even before I came out, everything was okay... everything was okay, so I think that helped me.

“It was just the harsh words that you really hear (that affected me), but then it stopped.

“And for me, that’s a sign that people have moved on, I have moved on.

“I have moved on, so let’s just keep that in 2013,” pahayag pa ng napakagandang si Anne.

Malaki rin daw ang natutunan niya sa mga pangyayari noong nakaraang taon.

Meanwhile, regarding naman sa napakalaking project na gagawin niya sa ABS-CBN, ang fantaseryeng Dyesebel, ngayon pa lamang ay super excited na siya sa proyektong ito.

Bago ianunsiyo na si Anne ang gaganap bilang Dyesebel, lumutang ang ilang pangalan na maaaring gumanap sa iconic fantasy character; kagaya nina Julia Montes, Kim Chiu, Jessy Mendiola, at KC Concepcion.

Ano naman ang pakiramdam ni Anne sa komento ng iba na may mas de­­ser­v­ing pa raw na maging Dyesebel kaysa sa kanya?

“You know, everyone will always have something to say.

“For me, I’m just thankful that management chose me to play Dyesebel.

“It was a big surprise when I came back from Canada.”

Inilahad pa ni Anne na ibang proyekto ang dapat sana ay gagawin niya.

“I was actually set to do a different teleserye this year, which would have been a great teleserye with two new leading men.

“But they offered this to me and said, ‘We hope you accept it.’

“And syempre, ‘di ba, who am I to say no to Dyesebel?

“Of course, I’m gonna accept it,” pahayag pa ni Anne.

                                                                

 

Show comments