Drama actress na iniluwa ang pinakain sa cooking show, hindi na makakaulit

Hindi na makakaulit na mag-guest ang isang drama actress sa isang cooking show dahil sa ginawa nitong hindi nagustuhan ng kliyente ng naturang show.

Ayon sa aming source ay napahiya raw sila sa kliyente ng kanilang show dahil sa ginawang pagluwa ng drama actress sa pagkain na niluto ng host ng cooking show.

“Hindi alam ni drama actress na naka-roll pa ang kamera noong mag-cut ang director. Eh nasubo na niya ‘yung pagkain na niluto ng host. Aba, iluwa ba naman at sabihing ang sama raw ng lasa?

“Eh nasa studio ang mga kliyente at nakita ang ginawa niya sa monitor, kaya hiyang-hiya ang staff sa ginawa ng babaeng ‘yun!” iritang kuwento pa ng aming source.

Nang kausapin daw ng staff ang drama actress na sana hindi raw niya ginawa iyon dahil nandoon ang kliyente nila, imbes daw na mag-apologize ito ay nagalit pa raw ito.

“Kaya hindi ako nagtataka kung bakit hindi ‘yan sumikat dahil may kasamaan ang ugali!

“Sana ay naisip niya na mapapahiya ang host na nagluto dahil sa ginawa niyang pagluwa ng pagkain. Eh hindi, ginawa pa rin niya ang gusto niya kahit na alam niyang may mapapahiya.

“Natural damay din ang staff kasi nakita nga ng kliyente ang ginawa niya. Kaya hindi na siya makakaulit talaga sa show na iyon,” talak pa ng source namin.

Hindi naman daw nag-react ang host ng cooking show sa ginawa ng drama actress. Kahit nainsulto ang host ay cool pa rin siya dahil ayaw niyang patulan ang masamang ugali ng drama actress.

Neil ayaw nang maghubad sa mga indie films

May ilang indie films na ngang tinanggihan si Neil Ryan Sese dahil kung hindi raw bading ang magiging role niya ay pinaghuhubad naman daw siya.

Sa huling indie film na ginawa niya ay nagkaroon na siya ng frontal nudity at minsan lang daw niya gagawin iyon.

 â€œNasabi ko naman na minsan ko lang gagawin iyon. Tama na ‘yung minsan lang kasi ganu’n pa rin naman ang magiging hitsura no’n!” malakas na tawa pa ni Neil.

Kung gagawa ng indie ulit si Neil, gusto niya na maganda ang istorya at hangga’t maaari ay pang-general patronage. Bukod kasi sa may anak siyang babae na nakakaintindi na sa trabaho niya, may kontrata rin siya sa GMA-7.

Kasama si Neil sa early primetime series ng GMA 7 na Paraiso Ko’y Ikaw. Pangsampung drama series na ni Neil ito since nagsimula siya sa Munting Heredera.

Mga cabinet, puno ng marijuana Justin BiEber laging nasa ‘alapaap’ sa kanyang kusina

Hindi nakapagtataka kung malulong ang Canadian teen pop star na si Justin Bieber sa pinagbabawal na droga dahil nakakuha nga ng mga litrato ang programang TMZ na punung-puno ng droga ang loob ng kanyang bahay sa Calabasas, California.

Sa kusina pa lang daw ng singer ay kitang-kita na ang elaborate set-up ng kanyang mga weeds or marijuana. Kumpleto pa siya sa mga paraphernalia kung paano gagamitin ang kanyang mga droga.

Ayon pa sa source ng TMZ, na-acquire daw ni Justin ang mga drogang ito noong mag-turn siya ng 18. Iyon kasi ang legal age para gumamit siya ng weed sa California.

Isang drug central kung tawagin ang kusina ni Justin dahil halos lahat ng cabinets ay siksik ng marijuana.

Nag-post pa ang kaibigan niyang si Khalil ng isang photo hawak ang isang styrofoam cup na may laman na droga na kung tawagin ay Lean. Ito ay combination ng cough syrup at soda. Kilala rin ang Lean sa tawag na Purple Drank, Sizzurp, at Syrup.

Ang Lean ang droga na kinalolokohan ni Justin ngayon dahil madali itong gawin at dalhin kahit saan.

Show comments