April Boy babalik sa pagkanta

MANILA, Philippines - Bagama’t opisyal nang nagretiro sa pag-awit si April Boy Regino dahil sa problema sa kalusugan, muling maririnig ang tinig ng jukebox idol sa The Singing Bee kasama ang kapwa OPM singers na sina Renz Verano, Jerome Abalos, Angelica Jones, at Selina Sevilla ngayong Sabado (Jan. 25). Sino sa limang mang-aawit ang pinakamagaling sa paghula ng tamang lyrics ng mga kanta at haharap sa defending champion na si Toni Gonzaga?

May magwagi kayang muli ng jackpot prize na P1 milyon? Nakapag-uwi na ng premyong P20,000 si Toni sa nakaraang episode na si John Lloyd Cruz, ang ka-love team niya sa bagong sitcom na Home Sweetie Home, ang nakalaban niya sa Final Countdown round. Maki-BEErit sa BEEsyo ng bayan na The Singing Bee ngayong Sabado (Jan. 25) kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Para sa updates, i-like at i-follow ito sa www.facebook.com/singingbeeabscbn, www.twitter.com/The­SingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.

Show comments