Isang grand presscon ang ibinigay ng Gabay Guro ng Philippine Long Distance Company (PLDT) Company sa Asia’s Songbird na si Regine VeÂlasÂquez sa Luxent Hotel last Monday. Sa panguÂnguna ni Chaye Cabal-Revilla, Gabay Guro chairman at 2013 Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardee, pagpapasalamat nila ito kay Regine dahil hindi nagpabayad ang singer/actress sa pag-awit nito ng Believing in Me na sinulat at kinompos ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra, a tribute song ng Gabay Guro sa lahat ng Filipino teachers. Inawit na ito ni Regine bago nag-Christmas last year sa tribute na ibinigay ng Gabay Guro sa may 30,000 teachers na dumalo sa show sa Mall of Asia Arena.
“Ginawa ko naman ito bilang pagbibigay-pugay sa mga teacher na para sa akin ay mga unsung hero. Maganda ang pinagdaanan ko noong nag-aaral ako sa Mababang Paaralan ng Balagtas, Bulacan, na doon ako nagsimulang kumanta. Bata pa ’ko mahilig na akong kumanta pero noong nasa Grade III lamang ako natutong mag-join ng singing contest dahil lagi akong isinasali ng dalawa kong teachers,†sabi ni Regine.
“Nakakatuwa nga noon na nanalo pa ako sa beauty contest dahil sa mga singing contest na sinasalihan ko, ako lamang ang representative, at ako na rin ang lumalaban sa beauty contest. Ganyan ako hanggang sa makatapos ako ng high school sa Balagtas, Bulacan din.â€
Idinagdag na rin ni Regine ang pagpo-promote ng coming Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang Voices of Love, sa Feb. 14 sa Mall of Asia Arena.
Ini-report naman ni Chaye na last December, kasama si Cesar Montano, nagpunta sila at ilang volunteers ng Philippine Disaster Recovery Foundation (PDRF) headed by Butch Meily, nag-turn over sila ng classrooms sa Loay, Cortes at Tagbilaran, Bohol na winasak ng lindol last November. Ngayon naman ay magdo-donate sila ng eight classrooms sa tatlong areas sa Leyte — sa Tacloban, Palo, at Ormoc. Ang susunod nilang gagawin ay ang paglilipat ng mga scholars nila sa Leyte either in Cebu or Manila para maipagpatuloy nila ang kanilang studies. Sa pamamagitan din ng Gabay Guro na suportado ni Manny V. Pangilinan, nabibigyan nila ng livelihood programs ang mga guro para matulungan sila sa kakaunti nilang sinasahod mula sa gobyerno.
Kylie bumigay ang katawan
Sa sunud-sunod na taping at provincial shows ni Kylie Padilla, hindi kataka-taka kung maospital siya. Isinugod nga sa St. Luke’s Medical Center sa The Fort last Monday morning ang aktres after niyang magkasunod na nag-show sa Cagayan de Oro at Marilao, Bulacan kasama sina Geoff Eigenmann, Benjamin Alves, at Mikael Daez para magpasalamat at i-promote ang kanilang telefantasya, ang Adarna.
Ayon sa manager niyang si Betchay Vidanes, inaasahan daw niyang magiÂging maayos na ang actress at makababalik na sa taping ngayong Wednesday.
Aksyon na aksyon pa naman si Kylie sa mga eksena niyang bilang superhero ang babaing ibon na tumutulong sa mga nangangailangan at inaapi. Directed by Ricky Davao, napapanood ito after 24 Oras.