Masayang nakatsikahan ng mga entertainment press si Primetime Queen Marian Rivera after ng presscon ng Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw) at sinagot lahat kahit ng intriguing questions.
Ano ang masasabi niya na gagawin ni Anne Curtis ang Dyesebel?
“Kahit naman sino puwedeng gumanap na Dyesebel, puwede ring Darna, puwede ring Marimar,†nakangiting sagot ni Marian. “In fairness naman kay Anne, tuwing nagkikita kami, binabati niya ako. Nagkasama na kami sa pictorial ng Rouge magazine at naging masaya ang samahan namin doon.â€
Mayroon bang artista na hindi siya binabati kapag nagkikita sila? Natawa si Marian, wala raw siyang maisip nang bigla niyang sinabi na: “Ay, may isa pala na hindi ako binabati kapag nakikita ako pero okay lang sa akin iyon.â€
Nagpapabata raw siya para magmukhang magkasing-edad sila ni Alden Richards?
“Hindi ako nagpapabata dahil matanda talaga ako kay Alden sa story. Saka ang Carmela ay hindi basta lamang sa love story, sa kissing scene nila ni Yago (Alden), but story po ito ng family, family namin ni Alden dahil pareho naming mahal ang aming mga pamilya.
“Masasabi kong si Carmela at ako ay iisa dahil si Carmela ay mapagmahal lalo na sa mga taong mahal siya. Mapagmahal din siya sa mga bata kaya nga ang mga batang palaboy na walang magulang, iniuuwi niya sa kanilang bahay ng kinalakihan niyang lola, kaya naging parang ampunan na ang bahay nila,†sabi ni Marian.
Ang Carmela raw ay tulad ng foreign movie na Malena?
“Hindi po totoo ’yan dahil nakilala ko na si Ate Suzette (Doctolero) na never nanggaya ng story, may sarili siyang mundo. Kaya kung minsan, ito ang eksenang alam naming isu-shoot pero pagdating sa set iba na ang gusto niyang gawin. Iyon bang sa palagay niya ay mas magpapaganda sa story,†sagot ng aktres.
Nakumusta rin si Marian tungkol sa kanyang project na Adopt-a-Banca campaign.
“Ngayon pong Sabado at Linggo, nasa Cebu kami nina Alden para sa Sinulog Festival at to promote Carmela. At pipirma na ako ng contract doon sa ka-partner namin sa Bantayan Island na siyang direct na namamahala sa mga taong kailangang bigyan ng bangka para sa ikabubuhay nila at sa pagpapagawa ng mga bangka.
“Sana nga po this month, makapagbigay na kami ng first one hundred bancas sa Cebu. Target namin ay one thousand bancas ang maipamigay namin.
“May gagawin din akong commercial sa Cebu para sa project naming ito at magbubukas kami ng website na Adopt-a-Banca para makita ninyo kung ano na ang developments sa proyekto namin,†update ni Marian.