MANILA, Philippines - Kinu-question ang biglang pag-amin ni Angel Locsin na mahal na mahal pa raw niya ang dating boyfriend na si Luis Manzano, na nagkausap na sila.
Pero lalong na-question ang pagbawi naman niya sa mga sinabi niya nang ma-interview siya ni Jobert Sucaldito sa DZMM TeÂleradyo nito sa ABS-CBN.
Say daw ni Angel, sorry sa mga pinagsasabi niya. Alam daw naman na minsan ay magulo siya. Ano ba talaga, Angel?
Kim inisnab-isnab ng kasamahan sa GMA nang malamang napili ni Direk Joyce
Nakakatikim pala ng pang-iisnab si Kim Rodriguez sa isang kapwa niya Kapuso star nang siya ang mapili para gumanap sa Paraiso Ko’y Ikaw katambal si Kristoffer Martin. Pero hindi na raw lamang niya iyon pinapansin, basta friend pa rin ang turing niya sa young star na matagal din niyang nakasama sa isang drama series noon. At thankful siya na after four months matapos ang Kakambal ni Eliana, siya ang napili ni Direk Joyce Bernal na lead star sa mala-Blue Lagoon na story na mapapanood na simula sa Jan. 27, bago ang 24 Oras kapalit ng Prinsesa ng Buhay Ko. At 21, ready na si Kim to play the role na lumaki sila ni Kristoffer sa isang isla na wala silang alam kung ano ang pag-ibig, ang paghalik sa isa’t isa, isang innocent love.
Dumaan din daw siya sa screen test at siya nga ang pinili ni Direk Joyce, na nagulat pa raw nang ma-meet siya personally na siya pala ang talent na lagi nitong napipili when she was only 15 years old.
Magsisimula na silang mag-taping sa Monday sa Bolinao, Pangasinan, wala raw naman siyang problema dahil marunong siyang lumangoy at nag-swimming lessons pa dahil may underwater scene sila ni Kristoffer.
Natawa kami na halos ikinuwento na ni Kim ang story ng kanilang bagong soap, at ang bumubuo ng cast. Kasama rin at kontrabida ang role ni Joyce Ching, dating girlfriend ni Kristoffer.
Biro namin kay Kim, hindi ba siya nagwo-worry na baka mas pahirapan siya ni Joyce dahil siya ang sinasabing dahilan ng break-up nila ni Kristoffer? Hindi raw totoo, naging best friends lamang sila noong ginagawa nila ang Kakambal ni Eliana at alam niya ang relasyon ng mga friend niya.
Mga na-obsess, pagdedebatehan
Isang mahirap na paghusga ang gagawin nina Gelli de Belen at Christine Babao, mga host ng Face the People dahil Obsession special ng bagong drama series ng TV5 ang topic na ihaharap nila sa mga tao dahil sa tatlong taong dumulog sa kanila.
Mamayang 4:30 p.m. matulad kaya sila sa mga character na ginagampanan nina Bianca King, Marvin Agustin, at Martin Escudero sa Obsession na mapapanood na simula sa Jan. 23?