ABS-CBN at GMA walang interes kay Willie Revillame, pero puwede sa Channel 9!

Pahayag ng GMA 7 executives, wala silang pla­nong kunin si Willie Revillame. Ganito rin ang sabi ng mga taga-ABS-CBN network.

Tatanggapin naman kaya uli ng TV5 ang bilyonaryong TV host?

Kung hindi, maaari namang sumosyo si Revilla­me sa RPN-9 with Wilson Tieng. Tiyak na makakasundo naman niya ang general manager ng RPN ngayon na si Robert Rivera. Puwedeng kunin ng rich TV host ang noontime hanggang alas-kuwatro ng hapon na slot ng Nuwebe.

Kung wala pa siyang mapuntahan this 2014, baka makalimutan na siya ng masa. Puwede naman hindi na siya magtrabaho habambuhay, sa rami ng kanyang pera. Pero ang tipo ni Revillame, tila hindi puwedeng mag-survive, kapag wala sa limelight.

Magandang aktres na dating powerful, mukhang kawawa na sa taping

Tahimik na at sunud-sunuran na lang sa set ang isang magandang aktres. Noon, daig niya pa ang may-ari ng network. Bawat gusto o kapritso niya, nasusunod mula sa pagpapabili ng special food para sa kanya at mga kakampi sa set, hanggang sa maagang pagtatapos ng taping.

Nasaksihan ng isang kasamang beterana ang super power ng kanyang co-star. Kapag nawala sa mood, pack-up bigla ang taping. Pabor naman ito sa lahat ng kasamang artista, na buo rin ang talent fee, kahit agad natapos ang trabaho.

Paano naman ang mga technical worker na contractual ang tanggap?

Nang hiwalayan siya ng powerful lover, mukha  kawawa tuwing taping ang aktres, walang pumapansin.

Billy inaming in love nga sa starlet

Inamin na ni Billy Crawford na nagkita sila ni Coleen Garcia sa New York City at nagkayayaang mamasyal doon!

Inamin na rin ni Billy Boy na nililigawan niya ang starlet. Hindi lang niya tuwirang tinukoy na tinanggap ni Coleen ang kanyang panliligaw at meron na silang relasyon.

At least, in the meantime, maglalaho ang iba pang malicious rumor against the singer/TV host. Unless meron siyang susunod na ipagtatapat!

Kanya-kanyang kampo iba-iba ng deklarasyon ng top grosser sa MMFF

Ano ba talagang pelikula ang top grosser sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF)? Iba-iba kasi ang deklarasyon o claim ng kanya-kanyang kampo. Dapat ilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang official report within the 10-day regular run ng film fiesta.

Kung lumampas na ng 10 araw, hindi na puwedeng No. 1 sa listahan, dahil tapos na ang festival, kahit makaungos pa ito sa total gross within 11 days or two weeks.

Malaking bagay sa artista ang matsugi as top grosser, lalo pa’t sanay na ang kanilang pelikula ang nagiging pinakamataas ang kita. Kapag wala na sa No. 1, puwedeng signos na ito sa pagbaba ng kanilang popularidad at malapit na silang malaos.

New Zealander na filmmaker uupong presidente sa jury ng Cannes

Si Jane Campion ng New Zealand ang napiling president ng mga jury sa Cannes International Film Festival in France this May. Dalawang beses nang nagwagi ng Palme d’Or sa Cannes ang female filmmaker, kasama ang kanyang well-acclaimed na The Piano, na humakot din ng awards sa Oscars, kabilang ang best actress para kay Holly Hunter at best supporting actress for Anna Pacquin.

Kabilang sa mga babaeng naging head ng Cannes jury sina Isabelle Hupper, Isabel Adjani at Liv Ullman.

Ryan tahimik pa sa pagbabalik sa TP

Ang siguradong ibabalik ng Kapatid Network ay ang Talentadong Pinoy na maraming taong naging signature TV show ng Channel 5. Ito ang most successful show sa Kapatid Network at nakakagulat naman na biglang aalisin sa ere.

Ang problema lang ay kung tatanggapin pa ni Ryan Agoncillo ang trabaho para rito ngayong nasa GMA 7 na siya at dalawa ang programa.  Tahimik lang ang multi-awarded TV host, na tila may sorpresa pang nanggagaling sa kanya.

Show comments