Ryzza Mae at Bimby nagtatawagan na

MANILA, Philippines - Ibinuking ni Kris Aquino sa kanyang TV show na nagtatawagan na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, Jr.

“Si Ryzza ang naunang nag-text kay Bimby. Hindi agad nasagot ni Bimby ang text kaya tinawagan niya si Ryzza at nag-apologize. Ngayon, nagtatawagan na silang dalawa,” info ni Kris.

 Si Ryzza Mae ang nagwaging best child performer ng 39th Metro Manila Film Festival. Nakalaban niya si Bimby dito at dalawa pang child stars. Deserving si Ryzza sa kanyang award pero mas kumpleto ang kasiyahan ni Kris kung ito ang nanalong best child performer.  

Wilma takot mabuntis pero game sa landian

Nilandi-landi ni Wilma Doesnt si Benjamin Alves nang pareho silang maging contestant sa Picture Picture kamakailan.

Sabi ng host na si Ryan Agoncillo, bagay daw sila kaya sabay tanong kay Wilma kung ano ang kanyang New Year’s Resolution?

Sagot ni Wilma: “Ayaw ko nang magpabuntis! Tama na sa akin ’yung tatlo kong anak. ’Pag sumobra pa riyan, ayoko na, over na!”

Show comments