Jodi buntis na!

Buntis na si Jodi Sta. Maria, sa istorya ng Be Careful With My Heart, where she is the wife of Ser Chief, Richard Yap.

Meron na nga siyang mga nakahandang pangalan kung magiging boy or girl ang kanilang panganay sa teledrama.

Tiyak na matagal pa tayong susubaybay sa mor­ning drama serial. Baka kasi ipakita pa sa show ang pag-aasawa ng kanilang anak, at pagkakaroon ng mga apo ng pareha sa telenobela.

Ang tanong ng mga viewers, kung going strong ang tunay na romansa ni Jodi Sta. Maria with Cavite Vice Governor, Jolo Revilla.

Nanay ni Charice wala nang pera kaya lumambot sa anak?!

Nagdaan ang Holiday season, hindi man lang nag­kita o nagbatian ang mag-inang Raquel at Cha­rice Pempengco.

Ang pasakalye ngayon ng mader, nauunawaan niya ang pag-uukol ng pagmamahal kay Alyssa Quijano ni Charice. Dagdag pa niya, naiintindihan niya ang kanyang tiboling anak at nakahandang magpatawad.

Buti naman at natauhan na si Raquel at natigil ang pagmamatigas. Say ng mga pakialamera, “baka wala nang pera.”

Gagawan pa ng portrait! Italian painter humanga sa beauty nila Dawn at Iza

Humanga ang bantog na Italian painter na si Francesco Gianini sa kagandahan ng mga Pinay. Noong nasa bansa pa ang awarded visual artist upang gawin ang mural ng Our Lady of Monserrat sa Mendiola, sa may San Beda College, nakilala niya sina Dawn Zulueta at Iza Calzado.

Ang sabi ng pintor comparable sa mga Italian Beauties na sina Sophia (Loren) at Monica Belucci ang mga Pinay actress. Kapag nagkataon ipipinta niya ang mga portraits nina Dawn at Iza sa pagbabalik sa ating bansa.

Ang mga likha ni Gianini ay may exhibit sa SM Megamall from Jan. 13 to Jan. 19.

Enrique Gil laglag sa music chart this week

Bumalik na sa music charts ang Daniel Padilla (DJP 2nd album) CD, charted No. 7 on the overall list and No. 5 sa OPM charts. Siyempre kasali rin si Daniel sa Got to Believe various artists CD, which is on top of the OPM hits.

Naglaho naman ang King of the Gil album ni Enrique Gil. Biglang nanahimik ang kanyang mga fans this week at mukhang hindi napasyal sa record outlets.

Libing ni Phil ng Everly Brothers gagawing pribado

Bahagi ng aming kabataan ang musika ng Everly Brothers. In fact officer pa ako ng local Everly Brothers Fan Club, na ang naging presidente ay ang yumaong si Babette Villaruel. Kaya naging close kami sa magkapatid na Phil at Don.

Nalungkot kami sa pagyao ni Phil Everly na nagbigay sa atin ng maraming hit songs with his younger brother Don. Naiwan ni Phil ang kanyang ina, misis na si Margaret at two sons na sina Jason and Christ, with their two daughters.

Sayang at very private ang magiging libing ni Phil, kaya hindi na kami pupuntang States para makipaglibing.

Mga artistang deboto ng poong Nazareno naghahanda na rin sa prusisyon

Sa mga balak sumama sa prusisyon ng Mahal na Poong Jesus Nazareno (Black Nazarene) ng Quiapo bukas, sa Jan. 9, higit na mahaba ito on that feast day of one of the most popular Pinoy religious icons. Ang estimate ay from two to three hours ang dagdag na oras ng prusisyon bukas kaya malamang na madaling araw na bago maibalik sa Basilica of Black Nazarene ang milagrosong imahen.

Ang mga celebrities na may panatang sumama sa prusisyon every year, makikita nating muli. Sana huwag silang aabalahin sa taimtim na pagdarasal at paglakad sa prusisyon. Dapat lahat ng sasali doon nakayapak. Huwag kayong magsasama ng mga bata o mahihinang matatanda.

Show comments