^

Pang Movies

Kris hindi na mahihirapan ’pag lumipat

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Dahil sa click sa takilya ang My Little Bossings ni James “Bimby” Yap, Jr. at ni Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon, naisip nina Bossing Vic Sotto at Kris Aquino na gawin na nilang sitcom ang nasabing movie sa GMA 7.

Isang Kapuso ang nagsabing sa GMA 7 daw ilalabas ang My Little Bossings. At magiging certified Kapuso na si Kris. Tiyak walang kaproblema-problema na mahihirapan sila sa nasabing network.

Atty. Persida walang galit sa TV5

May bagong TV show ang chief of Public Attorney’s Office na si Chief Atty. Persida Acosta pero hindi pa niya inire-reveal kung saang network ipapalabas, kung sa TV5 pa rin o hindi na. Nakangiti lang ang magandang PAO chief at sinabing wala siyang tampo sa TV5.

Hindi raw uso sa kanya ang magtampo, maghihinakit, o magalit komo’t wala na ang dating programa niya. Trabaho lang daw!

Mga na-miss na celebrities pinagpupuyatan kay Kuya Germs

Natuwa naman ako sa Walang Tulugan with Master Showman dahil every Saturday night ay talaga namang nagpupuyat ang mga homeviewer dahil doon makakapanood ng celebrities na matagal nang hindi nakikita. 

Like nang magulat kami last Saturday na isang dating young actor ng LVN ang ipinakilala ni Kuya German “Germs” Moreno, si Manding Claro.

Kung matatandaan pa ng parents o grandparents ninyo, sikat na sikat si Manding at napakaguwapo niya noon bilang ka-love team ni Nanita Vidal. Marami ring pelikula ang kanilang ginawa at kadalasan ay kabilang sila sa tambalang Nestor de Villa at Nida Blanca. Kahit mad­yonda na si Manding ngayon, guwapo pa rin siya! 

 

vuukle comment

ALING MALIIT

BOSSING VIC SOTTO

CHIEF ATTY

ISANG KAPUSO

KRIS AQUINO

KUYA GERMAN

KUYA GERMS

MANDING CLARO

MASTER SHOWMAN

MY LITTLE BOSSINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with