Aktor umiiral ang kayabangan ’pag pinapansin ang anak

MANILA, Philippines - Umiral ang kayabangan ng isang artistang lalaki nang pansinin ang artistahing anak sa ibang babae. ’Yun kasing isa niyang anak sa ibang babae ay artista na kaya tigas ang pagmamalaki niyang mana sa genes niya ang kagandahan ng panganay sa unang asawa.

’Yun kasing anak ng unang asawa sa ibang lalaki ay hindi kagandahan kaya hindi ito masyadong exposed. Pero ang anak ng artistang lalaki ay bibidahin sa TV at pelikula.

Hindi naman kaguwapuhan ang artista. Pero may lahing tisoy kaya ’yung naanaakang babae ay nagsu-swak sa kamestisuhan niya, huh!

’Yun nga lang, laos na ang artistang lalaki kaya nabawasan na rin ang kayabangan!

Vice nakatikim ng kantIyaw kay Jose matapos pataubin ni Vic

Sa labanan ng top grosser sa Metro Manila Film Festival (MMFF), masasa­bing labanan din ng Eat Bulaga at ng It’s Showtime! Lead actor si Vic Sotto sa My Little Bossings na balwarte ang Bulaga habang isa sa main hosts ng Showtime si Vice Ganda na bida sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Hindi umubra ang pelikula ni Vice sa pelikula ni Vic na nagtala na naman ng record na P350M na ang kita as of this writing.

Kung todo ang pasasalamat ni Vic kahapon sa Eat Bulaga, may kasama namang birong kantiyaw si Jose Manalo habang umeere ang segment ng Bayanihan of the Pipol. Siyempre patungkol kay Vice ang kantiyaw ni Jose, huh!

Eh sa halip na sagutin ang birada sa pelikula, mas minabuting pasalamatan ni Vic ang lahat ng nanood ng movie lalo na ang mga kasamang bata na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, Jr.

“Malaki po ang naitulong nina Ryzza at Bimby upang panoorin ng publiko ang My Little Bossings. Hindi lang po ’yon dahil sa akin. Maraming salamat po,” pahayag ni Vic.

JC hindi kayang magpakita ng bukol

Mga aktor na magpapainit ng 2014 ang handog ng isang magazine. Naglabasan ang seksing kuha ng ilan nating artista at pinakamatapang dito ang pose ni Carlo Agassi na labas ang kanyang matambok na puwet!

  Double exposure rin ang puwet ng baguhang sexy actor na si John James Uy. Nagbida si James sa isang sexy movie na ibinalandra rin ang kanyang wetpaks!

May seksing kuha rin si JC de Vera na naka-side view. Legs at patagilid lang ang kuha niya kaya walang puwet o bukol na ipinakuha niya. Hindi pa rin kaya ni JC na tumodo sa pagpapaseksi kaya hanggang imanihasyon lang ang komento ng mga netizen.

Show comments