^

Pang Movies

Arnel Pineda ipapalit kay apl.de.ap sa The Voice

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Si Arnel Piñeda ang malamang na maging bagong coach/judge sa second season ng Voice of the Philippines talent search. Kung sakaling magiging abala si apl.de.ap this year, ang Pinoy international star ang posibleng pumalit.

Open naman kay Arnel ang trabahong iaalok sa kanya.

Mga pirated na kopya ng mga sikat na tv shows inaabangan

Magbabalik sa 2014 with a newly produced season ang most pirated TV show of the Year, Game of Thrones. Siyempre ang complete show last year, meron nang kopya sa mga bahay on pirated DVD.

Also on the most pirated list TV shows is The Walking Dead, ang zombie series na sinubaybayan all over the world at natural binibili ang bogus DVD ng serye. Ipapalabas ang bagong chapter ng show sa U.S.A. this February at puwedeng sumunod sa Pilipinas.

Sa ating bansa, available ang mga pirated version ng mga hit teledramang Muling Buksan Ang Puso, Ina, Kapatid, Anak, My Husband’s Lover, partly ng Got to Believe… Siyempre higit na cheap ang bogus edition sa genuine copy released by Star Records.

Ang mga mahilig sa peke, inaabangan ang mga blockbuster sa 2013 Metro Manila Film Festival, na maaaring after ng opisyal na pagtatapos ng, ikalat na sa mga palengke at ibang lugar na bentahan ng pirated.

Rachelle Ann may farewell concert bago mag-Saigon

Bago magtungo sa London sina Rachelle Ann Go at mga Pinoy na kasali sa Miss Saigon 25th anniversary revival, naghahanda muna ang singing champ para sa isang farewell concert.

Sa March 10 na ang start ng kanilang West End rehearsals almost two months after, opening ng bagong Miss Saigon on May 3.

Ang pinirmahan nilang contract with the Cameron McKintosh company ay required silang mag-show eight times a week! Kaya very hectic ang schedule nila for Miss Saigon.

Cristina Decena pinagtataasan ng kilay ang pagho-host

Pigilan ang pagtaas ng kilay. Magsisimula ng bagong TV show as co-host of Venus Raj si Cristina Decena, this January 2014, Business Flight, to be aired every Saturday, 11:30 a.m. on GMA News TV!

Sa rami ng awards na natanggap na niya, kakaiba ang Crimefighter of the Year mula sa Gawad Amerika. Nilabanan niya kasi ang mga nagtangkang mag-ambush sa kanya at mga kasama. Bukod sa hindi nagtagumpay ang mga kriminal, nadakip pa sila ng mga law enforcers.

Say nila loveless si Cristina this new year. Pero hindi agad kami naniwala. Baka sinisikreto lang ng businesswoman/celebrity.

MMFF nag-iilusyon ng P1B

Three days to go pa ang MMFF, kumita na ng almost P600 million (P597M to be exact). Maabot kaya nito ang P1 billion mark, pagkatapos ng sampung araw na pagpapalabas? Sa ngayon ay medyo imposible na, pero kung bibilangin pa ang mga kita hanggang sa extension ng filmfest, puwede pa.

Aktor na-in love sa pokpok

Madalas pag-usapan ang macho star na madalas sa Pegasus. Isang young and beautiful G.R.O. ang laging pinapasyalan ng artista. Mukhang na-in love ang actor sa tipong artistang tagaroon.

Kahit maraming karibal na higit na mayayaman, ayaw sumuko ang aktor sa kanyang panliligaw at higit na napapadalas ang pasyal doon.

Fans ni KC tuloy ang pag-E-Emo

Hanggang ngayon nagpoprotesta pa ang mga tagahanga ni KC Concepcion kung bakit hindi nagwagi ng award ang kanilang idol sa kanyang mahusay na pagganap sa Boy Golden: Shoot to Kill.

Maging si KC sinasabing ito na ang most difficult role na nagampanan niya to date. Malaki ang pasa­salamat ng aktres sa magandang pag-alaga sa kanya nina ER Ejercito at iba pang kasama sa pelikula. Bago kunan ang kissing scene, kinausap munang mabuti si KC upang malaman ang kanyang mga limitasyon.

vuukle comment

BOY GOLDEN

BUSINESS FLIGHT

CRIMEFIGHTER OF THE YEAR

CRISTINA DECENA

GAME OF THRONES

GAWAD AMERIKA

MISS SAIGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with