Natawa kami sa kuwento ng isang nanood ng isang film festival movie sa isang mall in Makati City na nagulat daw siya nang makita niyang napapalibutan ng mga alalay ang isang actress na papasok ng cinema. Kaya siya nagulat kasi raw feeling siguro ng mga nakaalalay sa actress ay baka pagkaguluhan siya. Eh wala raw namang pumansin sa kanya hanggang sa makapasok sila sa theater.
Dagdag pa niyang kuwento, ang nakita raw niya talagang pinagkaguluhan ay si Ryzza Mae Dizon nang manood ito sa SM Megamall sa Mandaluyong City ng My Little Bossings. Helpless nga raw ang bagets nang pagkaguluhan siya dahil ang kasama lang nitong nanood ay ang mommy, tita, at ang handler niya, mabuti na lamang at tinulungan sila ng mga security guard kaya maaÂyos siyang nakaalis after ng pa-photo op sa kanya ng mga tao.
Pero lumitaw daw ang pagka-fan ni Ryzza Mae nang manood naman ito ng Disney on Ice sa Smart Araneta Coliseum last Dec. 27. Paborito pala nito ang Walt Disney character na si Rapunzel. Ang maganda pa, tinawag si Aling MaÂliÂit ni Rapunzel (ibinilin daw ito ni Veana Fores ng Big Dome bago ito pumunta ng Hong Kong) at nag-participate sa isang scene. Hindi makapaniwala si Ryzza Mae na makakaakyat siya ng stage at nang umikot daw sa orchestra ang buong cast ay sumunud-sunod pa siya hawak ang Rapunzel doll na gift sa kanya. Enjoy na enjoy daw talaga si Ryzza Mae sa naiibang experience nito.
Kylie magiging superhero na
May pagbabago sa character ni Kylie Padilla as Ada sa Adarna, na napapaÂnood sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng 24 Oras. Hindi na siya basta taong ibon, magiging superhero na siya na magtatanggol sa mga inaapi. IpiÂnakita na ang bagong trailer ng telefantasya sa bagong costume ni Kylie at nagsimula na siyang magligtas ng mga tao.
Aljur nakagawa ng paraan makapuslit sa Singapore
Ang ganda naman ng pasok ng New Year kay Aljur Abrenica. Kahit patapos pa lamang ang Prinsesa ng Buhay Ko ay may bago na agad siyang project na magsisimulang mapanood sa Jan. 27, ang Kambal Sirena na siyang papalit sa romantic-comedy nila ni Kris Bernal. This time, may bago siyang leading lady, si Louise delos Reyes who will play a dual role, isang sirena at isang tao.
Si Aljur, he will play a human being. Hindi taga-ilalim ng dagat. Pero sa kabila ng sunud-sunod na taping, nakagawa rin ng paraan si Aljur na matupad ang kanyang promise na Christmas vacation for his family. Ilang araw din silang nagpalipas ng holiday seasons sa Singapore.