^

Pang Movies

Akala yata ay pagkakaguluhan, dinedma naman aktres kabi-kabila ang alalay nang manood ng sine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natawa kami sa kuwento ng isang nanood ng isang film festival movie sa isang mall in Makati City na nagulat daw siya nang makita niyang napapalibutan ng mga alalay ang isang actress na papasok ng cinema. Kaya siya nagulat kasi raw feeling siguro ng mga nakaalalay sa actress ay baka pagkaguluhan siya. Eh wala raw namang pumansin sa kanya hanggang sa makapasok sila sa theater. 

Dagdag pa niyang kuwento, ang nakita raw niya talagang pinagkaguluhan ay si Ryzza Mae Dizon nang manood ito sa SM Megamall sa Mandaluyong City ng My Little Bossings. Helpless nga raw ang bagets nang pagkaguluhan siya dahil ang kasama lang nitong nanood ay ang mommy, tita, at ang handler niya, mabuti na lamang at tinulungan sila ng mga security guard kaya maa­yos siyang nakaalis after ng pa-photo op sa kanya ng mga tao.

Pero lumitaw daw ang pagka-fan ni Ryzza Mae nang manood naman ito ng Disney on Ice sa Smart Araneta Coliseum last Dec. 27. Paborito pala nito ang Walt Disney character na si Rapunzel. Ang maganda pa, tinawag si Aling Ma­li­it ni Rapunzel (ibinilin daw ito ni Veana Fores ng Big Dome bago ito pumunta ng Hong Kong) at nag-participate sa isang scene. Hindi makapaniwala si Ryzza Mae na makakaakyat siya ng stage at nang umikot daw sa orchestra ang buong cast ay sumunud-sunod pa siya hawak ang Rapunzel doll na gift sa kanya. Enjoy na enjoy daw talaga si Ryzza Mae sa naiibang experience nito.

Kylie magiging superhero na

May pagbabago sa character ni Kylie Padilla as Ada sa Adarna, na napapa­nood sa primetime block ng GMA 7, pagkatapos ng 24 Oras. Hindi na siya basta taong ibon, magiging superhero na siya na magtatanggol sa mga inaapi. Ipi­nakita na ang bagong trailer ng telefantasya sa bagong costume ni Kylie at nagsimula na siyang magligtas ng mga tao. 

Aljur nakagawa ng paraan makapuslit sa Singapore

 Ang ganda naman ng pasok ng New Year kay Aljur Abrenica. Kahit patapos pa lamang ang Prinsesa ng Buhay Ko ay may bago na agad siyang project na magsisimulang mapanood sa Jan. 27, ang Kambal Sirena na siyang papalit sa romantic-comedy nila ni Kris Bernal. This time, may bago siyang leading lady, si Louise delos Reyes who will play a dual role, isang sirena at isang tao. 

Si Aljur, he will play a human being. Hindi taga-ilalim ng dagat. Pero sa kabila ng sunud-sunod na taping, nakagawa rin ng paraan si Aljur na matupad ang kanyang promise na Christmas vacation for his family. Ilang araw din silang nagpalipas ng holiday seasons sa Singapore.

vuukle comment

ALING MA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BIG DOME

BUHAY KO

RAPUNZEL

RYZZA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with