Si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at overall chairman ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Atty. Francis Tolentino lamang pala ang mag-a-announce ng exact figures ng eight official entries after the festival kaya walang lumalabas na daily gross na tulad noon. May tinanong kami from MMDA at iyon ang sinabi niya. Ang nakuha lamang naming figure, as of Dec. 29 daw, may total gross na ang festival na P417 million for four days. That time rin, hindi raw nagbabago ang ranking, My Little Bossings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag, at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.
Maaaring may changes na ang ranking ngayon, like umakyat na raw ang gross income ng 10,000 Hours dahil naging curious na ang mga manonood kung bakit ito tumanggap ng 14 awards.
Sana ay umakyat na rin ang kita ng ibang pelikula hanggang sa pagtatapos ng festival sa Tuesday, Jan. 7.
Alden aprubado ni Dingdong para kay Marian
Nababasa namin ang tweets ng fans nina Dingdong Dantes at Marian RiveÂra from Hong Kong dahil nakita nila roon ang mga idolo nila na masayang nagsya-shopping at nakakapagpa-picture sila. From Laos, dumiretso sa Hong Kong at doon na nagpaabot ng 2014 countdown ang mag-sweetheart, kasama sina Perry Lansigan at Paolo Luciano ng PPL Management.
Back to work agad si Marian sa Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Lupa) at sa Lunes ay haharap na siya sa entertainment press na bibisita sa location nila sa Bulacan. Ayon kay Marian, nang makausap bago sila umalis for their Christmas vacation, kailangan daw niya talagang paghandaan ang role niya bilang si Carmela dahil may pagka-complex at unconventional ang character nito. Kung lagi siyang masayahin in person, dito naman ay kailangang maging seryoso siya. Kahit napakaganda nga niyang babae sa story, napakarami naman niyang hirap na pagdadaanan like iyong lagi siyang hinuhusgahan ng mga tao at higit na masakit ay ganoon din ang mga taong close sa kanya. Mahal na mahal niya ang kanyang ina (Agot Isidro) pero nang ma-in love siya sa isang lalaki, ayaw naman nito sa kanyang ina. Bakit kaya?
Nag-start nang mag-taping ang gaganap na young Carmela sa story, si Mona Louise Rey, kaya it’s Marian’s turn naman para magtrabaho. Excited siya dahil laging may nadaragdag na mahuhusay na artista na makakasama niya sa drama series. Bukod sa isa pa niyang leading man, si Raymond Bagatsing, makakasama rin niya ang dalawang mahuhusay na director at award-winning actors, sina Laurice Guillen at Ricky Davao. At siyempre pa, ang kanyang new leading man, si Alden Richards. Nagkasama na sila noon ni Alden sa My Beloved pero hindi sila madalas magkaeksena at nawala na ang character nito bago pa natapos ang kanilang serye. Nakita na raw niya ang pagiging seryoso ni Alden sa mga ginawa nitong projects at suportado ito ni Dingdong Dantes na mas nakaeksena nito noon sa My Beloved.