Eugene nangakong hindi na magiging maselan lalaki

Masaya si Eugene Domingo dahil kumita naman ang kanyang pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na nakapasok sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF). Pangarap din pala niyang sumabak sa aksiyon dahil nagustuhan niya ang fight scenes sa lahat ng Kimmy Dora films.

‘‘Sarap mag-aksyon dahil nakakapayat at mabilis ka pang gumalaw. Nalaman ko ang fighting skills para ako’y mabilis kumilos,’’ sabi ni Uge.

Inamin din ng komedyana na nagkakaedad na siya kaya kakarerin na niya ang love life.

‘‘I’m not getting any younger kaya ngayong 2014 hahanapin ko na rin ang aking pag-ibig. Hindi na ako magiging mapili,’’ sabi ni Uge.

Solenn nawala ang kalandian

Nasa bakasyon pa si Solenn Heussaff kasama ang Argentinian boyfriend nito. Babalik siya sa Enero 14 sa promosyon ng kanyang pagbibidahang pelikulang Mumbai Love.

Puring-puri nito ang direktor na si Benito Bautista dahil malaki ang naitulong para magbago siya ng kanyang imahe.

Anang aktres, ‘‘Sabi ni Direk, kung dati ay temptress ako dahil sa mga role na ginagampanan ko, this time mukha akong mahinhin at nawala na ang imahe ko bilang malanding babae.’’

Nagmukha rin itong bata sa pelikula bilang si Ela na isang negosyanteng na-in love sa isang Indian businessman na ginampanan naman ni Kiko Matos na hinangaan sa indie film na Babagwa.

Bagay ang tambalan ng dalawa sa romantic-comedy film. Naiiba ito sa love stories dahil pinagtagpo ang dalawang nilalang mula sa magkaibang bansa na magkaiba rin ang kultura at tradisyon.

Kinunan pa ang Mumbai Love sa India at magagandang lugar sa Pilipinas. Palabas na ito sa Jan. 22 na opening salvo ng Capestone Pictures, Inc. at iri-release ng Solar Entertainment Corporation.

Mapayapa at masaganang Bagong Taon sa mambabasa ng PM!

Show comments