Kahit naging sobrang bilis ang relasyon nila ni Cristine Reyes, ayon kay Derek Ramsay, he still believes in forever.
“Guys, matagal n’yo na akong kilala. I’m a sucker for love. I made mistakes, I’ve been hurt, but you can’t give up on it. So, it will happen,†sabi ni Derek.
Agree naman siya na it would have been diffeÂrent kung non-showbiz sana ang mga naging girlfriend niya. Mas marami raw talagang kailangang i-work kapag pareho kayong nasa showbiz.
“There’s a lot of work, lot of pressures. Malay n’yo ako na lang umalis sa showbiz,†say niyang natatawa.
“No, but I’d definitely entertain the thought of maybe trying out something else. I don’t know. Like I said I’ve been talking with the family. These are just thoughts. I think all of us go through that,†serÂyosong sabi ng bida ng For Love or Money.
Paliwanag ng aktor, ine-entertain lang niya ang ideya pero hindi naman daw niya sinasabing gagawin nga niyang umalis ng showbiz.
Kung sakali, ang magiging dahilan daw ay ang parents niya who are both 70 years old.
“I don’t get to see them much, and knock on wood, they’re both very healthy…,†say ni Derek na hindi na natuloy pa ang sinasabi pero nakuha naman namin.
Anyway, nilinaw naman ni Derek na masaya siya sa buhay niya ngayon, sa career niya now sa TV5, at sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya kaya wala naman siyang plano pang lisanin ang showbiz.
Christian hindi na nagmamadaling humanap ng babae
After his breakup with Chinese-Romanian girlfriend, Carla Dunareanu, wala pang bagong GF ulit si Christian Bautista at wala rin siyang nililigawan pa dahil gusto muna niyang mag-relax and to spend time with his family.
He’s 32 years old now at dati, say niya, ay nag-set siya na gusto niyang mag-settle down at 30. Pero hindi ito natupad, kaya ngayon ayaw na niyang magmadali na matagpuan ang tamang babae para sa kanya.
Pero naniniwala naman siya na mahahanap din niya si Ms. Right soon.
When asked kung ano ang reaction niya sa isyung crush siya ni DiaÂna Zubiri, say ni Christian ay nakakatawa raw.
“Nakakatawa ’yun. Nagulat ako dun. Medyo na-cute-an ako,†sabi niya.
Nang mag-guest kasi ang magkakaibigang sina Diana, Karylle, at Iza Calzado sa Gandang Gabi Vice, tinanong ni Vice Ganda ang una kung kanino siya naiilang na lalaki kapag napag-uusapan ito at sambit ng dalaga ni Zsa Zsa Padilla, kay Christian nga raw.
Say ni Christian, hindi pa sila nagkaka-usap ni Karylle about it pero tatanungin daw niya ito.
May chance ba na maging sila ni Diana?
“Ewan ko,†natatawang sabi ni Christian. “We’re in different networks so...â€
How would he assess his 2013 both sa career and personal life?
Sagot niya, “It’s balance. I mean, in a year naman, hindi mo talaga alam ang mangyayari. We’re still good friends ni Carla up to now. Career wise, I’m enjoying Cinderella, The Musicale, I’m enjoying this new song that I made with my brothers and I’m excited next year kung ano pa ‘yung puwede naming gawin together in terms of music.â€
For 2014, marami raw nakaplano pero hindi pa finalized ang lahat.
“Merong plans for a soap, merong plans for a stage play. Eto, definite plan, a new album next year,†saad ng Asia’s Romantic Balladeer.