Chin Chin Gutierrez natuloy na ang pagmamadre!

Nagulat si Fernan de Guzman (presidente ng Philippine Movie Press Club) nang mamista sa kanyang hometown sa Guimba, Nueva Ecija na makita si Chin Chin Gutierrez na naka-nun’s habit na!

Naisip agad ni Ms. F na tinupad na ng aktres ang kanyang bokasyon na mag-madre. Kahit abot tanaw niya si Chin Chin, hindi naman magawang kausapin dahil abala sa pag-asikaso ng mga tao.

Kuwento sa kanya ng mga kababayan, doon na nakatira ang dating aktres at kasali na sa isang Apostolada, o mga pangkat ng mga madreng tumutulong sa mga mahihirap at lahat ng nangangailangan. Ito na ang matagal na gawain doon ng dating mahusay at seksing aktres.

Sa ngayon, hindi pa nakumpirma ni Ms. F kung meron ng vows of chastity and poverty si Chin Chin. Maaaring iba na rin ang tawag sa kanya sa kanyang Apostolada.

Ang napansin pa ni Fernan, simpleng-simple ang ayos ng religious. Kahit pulbos ay wala at ang buhok naman ay nakatali lang ng goma. Sa payak na hitsura, maganda pa rin si Sister Chin Chin at mababakas pa rin sa kanyang banal na hitsura na isa siyang dating artista.

 

Mark hindi na naramdaman si Ynna nung nag-Pasko

Sa mga artistang nagdiwang ng Pasko na walang boyfriend or girlfriend, siyempre kapiling naman nila ang kanilang mga tunay na pamilya. Meron namang ilan na namasyal abroad upang hindi gaanong malungkot.

Si Mark Herras, kasama ng kanyang parents and siblings sa kanilang bahay sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Masaya silang nag-noche buena at naglaro ng parlor games sa tahanang naipundar ng aktor.

Mukhang hindi niya naramdaman na wala na sa piling niya si Ynna Assistio.

Si Ynna naman siyempre, kasama nina Nadia Montenegro at kanyang mga kapatid sa kanilang bahay.

Ayon kay Mark, maaaring matagal pa siyang makakita ng right partner upang makasama niya sa kanyang naipatayong dream house.

 

Mga nanalo sa Anak TV pinulsuhan ng masa

Tiyak na higit na aasenso ang career ng mga nagwagi sa recent Anak TV awards. Napiling Male Makabata Stars sina Ri­chard Yap, Coco Martin, Daniel Padilla, Dingdong Dantes, Ryan Agoncillo, Vic Sotto, Anthony Taberna, Noli de Castro, Ted Failon, at Kim Atienza.

Female Makabata Stars naman sina Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Angel Locsin, Kim Chiu, Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Charo Santos-Concio, Kara David, Vicky Morales, at Karen Davila.

Ang sabi ng grupong naggawad ng Anak TV awards, mga tunay na People’s Choice and binigyan nila ng parangal.

Napansing hindi kasali sa mga awarded ang dating consistent na nagwawaging si Anne Curtis dahil sa nangyaring iskandalo ng pananampal.

Ang Hall of Fame awardees this year ay sina Jessica Soho, Bernadette Sembrano, at Sarah Geronimo.

Ang mga pinarangalan this year ay pinili ng mahigit na 2,500 jurors all over the country kaya’t tiyak na sila ang gusto ng masang nanonood ng TV.

 

Red Hot Chili Peppers nag-confirm na ng pagko-concert sa Pampanga

Ang Red Hot Chili Peppers mismo ang nag-confirm sa isang video sa YouTube na sila ay pupunta sa Pilipinas sa 2014 upang dumalo sa isang international music festival na gagawin sa Pampanga.

Matagal na nilang gustong makapiling ang kanilang fans dito at natutuwa ang banda na matutuloy din ang kanilang biyahe sa 7107 International Music Festival next year.

 

Kita ng MMFF tumaas pa kahit maraming sinehan sa Kabisayaan ang sarado

Masayang ibinalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na higit na tumaas ang first day gross ng Metro Manila Film Festival (MMFF) this year kahit maraming sinehan sa Kabisayaan ang hindi nakapagbukas dahil sa bagyong Yolanda.

Ang kanilang napansin, kahit gabi na o last full show ay higit na humaba pa ang pila sa mga sinehan, lalo na sa My Little Bossings na naging top gross sa opening day.

Kung hindi ipinagbawal ang mga menor de edad sa ilang pelikula, higit na naging mataas ang first day gross ng MMFF noong Pasko.

Show comments