Nagpaliwanag Kris tinablan sa mga birada, bagong biling bahay ipinagmalaki pa sa kanyang programa habang marami ang walang makain

Paskong-pasko ay naintriga pa si Kris Aquino nang ipakikta niya sa Kris TV ang bago niyang bahay na nabili last Monday, Dec 23. First part pa lang sana ito at mayroon pang kasunod pero dahil sa intrigang natanggap, nagbago na ang plano.

Pagkatapos kasing ma-air ang nasabing bahay ay inulan si Kris ng negative comments sa social media at inakusahang insensitive sa mga kababayan nating naging biktima ng kalamidad.

Kaya para wala nang issue, kahapon, sa kanyang morning show ay inanunsiyo niyang ipinare-edit niya ang footage para alisin na ang ibang parts.

“Maging ang comment ng user na ito (sa Instagram), ang kanyang reaction sa aking home tour, ‘showing off what you have is not very humbling, especially when the rest of the country is struggling to even put food on their plate and people affected by typhoon lost everything they have. Just saying,’” say ni Kris na kino-quote ang isa sa mga nag-comment.

“I replied to them and said, ‘para walang issue, just called Jasmin, production manager of Kris TV, re-edit kami ng episode tomorrow. No more second or third floor,” patuloy pa ng Queen of All Media. 

Ang pagpapakita ng new house ni Kris ay para sa kanyang mga tagasuporta ng Kris TV at para na rin sa kanyang mga tagahanga na walang sawang tumatangkilik sa lahat ng kanyang proyekto and endorsements.

“I shared this exclusive home tour with all of you because your support and patronage of my shows, movies and products I endorse helped us build our home,” she said.

Kaya naman she felt apologetic to her fans and at the same time ay nagpapasalamat siya sa mga ito for defending her.

“Thanks for defending me but I really don’t want to have any nega before Christmas. Nagmamagandang-loob lang ako to share (my home) pero na-misinterpret pa, so wala na lang para walang gulo,” say pa ng Queen of All Media.

KC tinalbugan na si Mega

After the premiere night of Boy Golden: Shoot to Kill held last Monday night, usap-usapan ang husay na ipinakita ni KC Concepcion sa pelikula. Ang hula nga ng lahat, baka masungkit ng young actress ang Best Actress award sa Metro Manila Film Festival awards.

Sa dinner party nga after the premiere night ay nagtatalo-talo ang press kung sino raw ang mas mahusay umarte sa mag-inang Sharon Cuneta and KC.

Ayon sa isang columnist, mas versatile raw si KC dahil at her age now, hindi raw nagagampanan ni Sharon ang mga kayang gampanan ng anak nito ngayon.

“For one, hindi kaya ni Sharon noon ang maging daring and sexy sa role just like what KC is doing now. Pangalawa, hindi rin kaya ni Sharon ang maging kontrabida.

“Magaling na aktres si Sharon. Pero may limitation ang kaya niyang gawin. Unlike KC, she likes challenges and she likes doing roles na medyo out of the box,” say ng isang columnist.

Anyway, sa premiere night ay naroroon din siyempre si Megastar Sharon kasama ang asawang si Sen. Francis Pangilinan para suportahan ang kanilang anak.

Nang mainterbyu ng mga kasamahan si Shawie, sinabi niyang proud na proud siya sa anak at tuwang-tuwa siya sa magagandang feedbacks about her daughters portrayal.

Girl, Boy…, My Little Bossings nanguna na agad

Kahapon, Dec. 25, ay opisyal nang nagbukas walong entries sa Metro Manila Film Festival 2013. Sa mga posts lang sa social media kami nakikibalita ng mga nagaganap sa sinehan since wala pang resulta ng ranking.

Sinusubaybayan namin ang posts ni kasamang Eric John Salut sa IG at base sa mga pictures na-upload niya, tatlong pelikula at matinding pinipinalahan ng mga tao, ang My Little Bossings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, at Pagpag.

Sa 12:50 p.m. screening daw ng pelikula ni Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay sold-out na ang tickets sa Trinoma.

Sa SM North naman daw ay pagkahaba-haba ng pila sa My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, James Aquino Yap and Ryzza Mae Dizon at umabot na raw hanggang sa The Block ang pila.

Nakita namin ang repost ni Mico del Rosario of Star Cinema na may picture ng haba ng pila ng Pagpag starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

May nag-comment din na grabe raw ang pila ng Pagpag sa SM Batangas.

As we write ay wala pa kaming nababalitaan sa 5 pang pelikulang kasali tulad ng Boy Golden: Shoot to Kill, 10,000 Hours, Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel), Kaleidoscope World, at Pedro Calungsod: Batang Martir. Pero habang sinusulat ito ay kabubukas pa lang ng mga sinehan kaya marahil wala pang feedback although admittedly, this early, napakaingay na ng tatlong pelikulang pinipilahan.

Well, kung hindi mababago ang trend, mukhang ang Pagpag, My Little Bossings and Girl, Boy, Bakla, Tomboy ang mahigpit na maglalaban sa no.1, 2, and 3 slots.

Show comments