Atom ikukuwento ang matinding pinagdaanan sa super typhoon
MANILA, Philippines - Idedetalye ni Atom Araullo ang kanyang karanasan habang kumakalap ng balita sa kasagsagan ng pananalasa ng pinakamalakas na bagyo sa daigdig sa espesyal ng dokumentaryong Yolanda ngayong Linggo (Disyembre 22) sa ABS-CBN.
“Nasaksihan namin kung gaano kabilis tumaas ’yong tubig. Kasabay noon, naiisip namin ’yong libu-libong taong hindi makalikas mula sa kani-kanilang bahay,†kuwento ni Atom sa kanyang panayam sa programa ni Lynda Jumilla na Beyond Politics sa ANC.
Dagdag pa ni Atom, sadyang kakaiba ang lakas ng bagyong Yolanda kaya naman wala talagang kasiguruhan ang kaligtasan ng mga sinalanta kahit pa pinaghandaan nila ang pagdating ng bagyo.
“Makikita mong nagsisitakbuhan ang mga tao. Maririnig mo silang tumatangis sa kadiliman, walang kuryente, ang daming bangkay sa paligid, ‘yong mga survivor aligaga kung paano ba sila makikipag-ugnayan sa pamilya nila,†pagbabahagi niya.
Bukod sa pagbabalik-tanaw sa kanyang hindi malilimutang pagbabalita sa Tacloban, ipapakita rin ni Atom sa dokumentaryo ang mga video at mga larawan kaugnay dito na hindi pa naipapakita sa telebisyon.
Maghahatid rin si Atom ng iba’t ibang kuwento ng mga biktima na magpapakita kung gaano katibay ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng trahedya at kwento ng pagbangon na magpapamalas naman kung paano nagbuklod ang buong mundo para maghatid ng tulong sa mga Pilipino.
Mapapanood ang dokumentaryong Yolanda ngayong Linggo sa (Dec. 22), pagkatapos ng Gandang Gabi Vice sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.
- Latest