^

Pang Movies

Panalo ni Bea Rose instant Christmas gift sa mga Pinoy!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tamang-tama ang pagkapanalo ni Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 dahil nakakaranas ang ating bansa ng hindi masyadong “merry” na Pasko dahil sa magkakasunod na sakuna na dumating sa atin.

Labis na ikinatuwa ng marami ang pagkapanalo ni Bea dahil parang Christmas gift na niya ito sa marami nating kababayan. At good year nga ito para sa Pinay beauties.

Si Bea nga ang ikatlong beauty title holder ng bansa sa taong ito. Nauna na si Mutya Datul bilang kauna-unahang Pinay na nanalo sa Miss Supranational at si Megan Young as the first Pinay Miss World. Naging third runner-up naman si Ariella Arida sa Miss Universe pageant.

Si Bea ang ikalimang Miss International ng Pilipinas. Kahilera na niya ang past winners na sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), at Precious Lara Quigaman (2005).

Ang chairperson ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. ay nagpasalamat sa ating presidente na si Benigno “Noynoy” Aquino III dahil nagsilbi na isang lucky charm daw ito sa Philippine representative.

Say nga ni Ms. Stella Marquez-Araneta na nakatulong ang pagbati ni P-Noy sa ating kandidata noong magbigay ito ng speech sa Filipino community in Tokyo last Dec. 12.

Naka-attend din kasi si Bea sa ASEAN-Japan Commemorative Summit at may “selfie” pa siya with the president.

Uuwi si Bea sa Pilipinas on Dec. 24.

Tropical Depression vocalist pumanaw na, rason ng pagkamatay ‘di muna ipinaalam ng pamilya

Sumakabilang-buhay naman ang isa sa nanguna sa Pinoy alternative music na si Dominic Gamboa o mas kilala bilang si Papadom ng bandang Tropical Depression.

Namaalam si Papadom noong nakaraang Wednesday, isang araw bago ang kanyang birthday noong Dec. 19 na dapat ay 48 years old na siya.

Hindi na ipinaalam ng pamilya ni Papadom ang dahilan ng kanyang pagpanaw at hinihiling nila ang dalawang araw na privacy. Nai-announce naman daw nila kung kelan puwede nang dumalaw ang mga kaibigan at fans ni Papadom.

Nagsimula ang music career ni Papadom bilang miyembro ng short-lived punk band na Absolute Zero. Naging frontman naman siya ng isa pang banda na Betrayed at lumipat din siya sa isang banda na The Skavengers at naisulat niya ang awiting Hoy Juan.

Noong mag-reggae na si Papadom ay binuo niya ang bandang Tropical Depression. Naging hit ang mga album nila noong ‘90s at naging cult classic na ang Kapayapaan, Aabot Din Tayo, Paraisong Pinangako, Alaala, at Bilog na Naman ang Buwan.

The Rock dinaig si Iron Man sa palakihan ng kita ng pelikula

 Si Dwayne “The Rock” Johnson ang nakakuha ng No. 1 spot sa Forbes List of Top-Grossing Actors of 2013. Samantalang ang co-stars niya sa pelikulang Fast & Furious na sina Vin Diesel and the late Paul Walker ay nakapasok sa Top 6 ng naturang listahan.

Tinalo pa ni The Rock ang bida ng Iron Man 3 na si Robert Downey, Jr. sa top spot, No. 2 kasi siya.

Kahit na ang Iron Man 3 ang highest grossing movie in 2013 with $1.2 billion in worldwide ticket sales, dinaig ni The Rock si Downey dahil apat na malalaking pelikula ang ginawa niya na kumita ng higit sa $1.3 billion globally.

Ang nasa No. 3 ay ang comedian na si Steve Carell dahil sa huge success ng Despicable Me 2. Siya ang nagbigay ng boses kay Gru.

Ika-apat si Vin Diesel dahil sa malaking kinita ng Fast & Furious franchise na umabot na sa $789 million.

Ika-lima naman si Sandra Bullock na nagkaroon ng dalawang big blockbusters films in 2013: The Heat at Gravity.

Number six si Paul Walker dahil sa success ng Fast & Furious franchise.

BEA

DAHIL

IRON MAN

MISS INTERNATIONAL

PAPADOM

PAUL WALKER

SI BEA

TROPICAL DEPRESSION

VIN DIESEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with