MANILA, Philippines - Inurirat ni Kuya Boy Abunda si Eugene Domingo sa Buzz ng Bayan kung bakit zero pa rin ang love life niya.
Rason ni Uge: “Napakalakas kasi ng dating ko eh. Nai-intimidate ang mga lalaki sa akin. Pero, sa totoo lang, gusto ko nang magka-boyfriend.â€
Paano siya makikipagsabayan sa Metro Manila Film Festival 2013 sa mga pelikula nina Vic Sotto, Kris Aquino, at Vice Ganda?
“Mahirap luminya sa kanila na tested box-office drawers. Pero ’yung pelikula namin, Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel perfect ngayong Pasko. Isa sa mga aabangan dun ’yung kissing scene namin ni Sam Milby. Tiyak na mayayanig ang manonood,†paniguro ni Uge.
Kris close kina Daniel at apl.de.ap
Nag-post ng picture sa Facebook si Kris Aquino kamakailan kung saan napapagitnaan siya nina apl.de.ap at Daniel Matsunaga na parehong nali-link sa kanya. Isa kaya sa kanila ang posibleng maging next husband niya?
“Wala ’yon,†giit niya. “Birthday ni apl.de.ap iyon kaya may kuha ako. Top priority ko pa rin ang pagiging isang ina. Sina Bimby (Yap, Jr.) at Kuya Josh (Aquino) lang ang concentration ko ngayon. Pero kung talagang may lalaking magpapatibok ng puso ko, darating siya. Pero hindi ako naghahanap,†pahayag ni Kris.