^

Pang Movies

Lauren saludo kay Richard

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Narito ngayon sa bansa ang Miss World 2013  Megan Young para makiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Yolanda sa Kabisayaan.

Kaya masayang masaya ang kapatid niyang si Lauren lalo na nga’t babalik na sa bansa ang kapatid para mag-Pasko.

Closely knit ang kanilang pamilya at tuwing Pasko ay nagkakasama-sama silang lahat, nagpapalitan ng regalo, sabay-sabay kumakain at naglalaro ng board games.

Maganda ang Kapaskuhan ni Lauren dahil bida siya sa movie na Overtime katambal si Richard Gutierrez. Saludo siya sa aktor dahil napaka-propesyonal nito. Action movie ito kaya napapagod din sa ilang eksena ang aktres. Huli nitong ginawa ang Puti for Cine Filipino.

Ratsada rin si Lauren sa telebisyon dahil pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin ay bida naman siya ng suspense-thriller na Dormitoryo.

 Painit nang painit ang mga eksena sa Dormitoryo tuwing Linggo kung saan may magtatangkang patayin ang grupo habang nagdaraos ng Christmas Party.

Mr. & Ms. Hotel Sogo ambassadors, inilunsad

Humarap sa entertainment press ang 16 candidates (8 male at 8 females) na maglalaban-laban para sa Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors kung saan ang koronasyon ay idaraos ngayong Enero. Lahat ng kandidato at kandidata ay puro may K na gusto ring subukan ang pag-aartista sakaling manalo sa paligsahan.’’

Ang mga candidates ay sina Vince Vargas, Paul Andrew Belmonte, Reamark Reduccion, Paul John Andasan, Angelo Erico, Gabriel Bour Marzan, Justine Ray Labandelo, Rendon Eligino Labador, Frederick Edward Castor, Patria Lorrine Belmonte, Glaiza Sarmiento, Zandra Ramos. Avi Karlyn Pascual, Bernadette Melissa Paez, Angelica Oba, Honeylette Abiad at Andres Fatima Infante.

Ang search for Mr. & Ms. Hotel Soco Ambassadors ay 13-segment program na magiging bahagi ng Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV.

 

vuukle comment

ANDRES FATIMA INFANTE

ANGELICA OBA

ANGELO ERICO

AVI KARLYN PASCUAL

BERNADETTE MELISSA PAEZ

CHRISTMAS PARTY

CINE FILIPINO

DORMITORYO

FREDERICK EDWARD CASTOR

LAUREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with