Nasa bansa pala ngayon ang American Idol Season 11 runner-up Jessica Sanchez para tuparin ang kanyang pangako na tutulong siya sa Pilipinas pagkatapos niyang mabalitaan ang tungkol pagsalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang November 8.
Sinimulan niyang magkaroon ng fund raising event via an online concert sa StageIt.com. Successful ang ginawa niyang ito at ang lahat ng proceeds ay dumiretso sa American Red Cross para sa relief fund nito sa Pilipinas.
Ni-release rin ni Jessica ang kanyang bagong single titled Lead Me Home kung saan ido-donate niya ang bawat $0.90 from each single sold para sa Red Cross. Gayundin ang $1.25 sa iTunes na direkta rin na mapupunta sa pagtulong niya sa mga victims ng Yolanda.
Kasama rin si Jessica sa Original Cast RecorÂding ng music and dance spectacular na Heartbeat of Home at sa all-star compilation album na Songs for the Philippines. Ang $9.99 mula sa iTunes ay diretsong mapupunta sa Philippine Red Cross.
Dumating sa bansa si Jessica noong nakaraang November 30 at mag-stay siya rito hanggang December 10 dahil sa kanyang charity mission with Starkey Hearing Foundation. Tutulong sila sa mga kababayan natin na may problema sa pandinig at mamimigay sila ng mga libreng hearing aids.
Pumunta rin si Jessica sa hometown ni Manny Pacquiao sa General Santos City at sunod naman ay sa Lipa City, Batangas kung saan mag-stay siya hanggang December 7.
Two days naman siyang mag-stay sa Manila bago siya bumalik sa US sa December 10.
Dahil sa tulong ni Jessica, mabibigyan ng higit na 4,000 to 5,000 people ng libreng aids.
“The world of sound is my inspiration and connection to my music. I am honored to be joining Starkey Hearing Foundation on a hearing mission to the Philippines where every day I get to help give someone in need the gift of hearing,†sey pa ni Jessica sa kanyang Facebook page.
Pelikulang Ilo Ilo malakas ang labansa Academy Awards
Successful ang naging screening ng Singaporean film na Ilo Ilo sa SM Mall of Asia at ang proceeds nito ay ido-donate sa Caritas Manila bilang tulong para sa mga survivors ng typhoon Yolanda.
Predicted na papasok bilang isa sa top five ang Ilo Ilo sa Best Foreign Language category ng Academy Awards 2014. Ang Ilo Ilo ay pinagbibidahan ng Pinay indie actress na si Angeli Bayani at mula sa direksiyon ng Singaporean film director na si Anthony Chen.
Nominated si Angeli as best actress sa 56th Asia Pacific Film Festival kug saan makakalaban niya si Zhang Ziyi na nominated for The Grandmaster ni Wong Kar Wai.
Nakakuha ng apat na nominations ang Ilo Ilo kabilang na ang Best Screenplay, Best Supporting Actress, at Best Picture.
Last year ay si Eddie Garcia ang nanalong best actor sa naturang awards night para sa pelikulang Bwakaw. Nominated naman si Nora Aunor for best actress for Thy Womb.
Maganda ang mga reviews na natanggap ni Angeli Bayani para sa kanyang performance sa Ilo Ilo.
Sinulat ng film critic na si Derek Elley ng Film Business Asia:
“Bayani moves effortlessly from dutiful maid through pining mother to a fierce defender of her own dignity when required, and establishes terrifically natural screen chemistry with newcomer Koh Jia Ler as the spoilt kid in her charge.â€
Nanalo na si Angeli Bayani ng best actress mula sa Cinemanila International Film Festival noong 2008 para sa indie film na Melancholia ni Lav Diaz.
Shooting ng Fifty Shades sinimulan sa Canada
Nagsimula na ang shooting para sa pinakaaabangan na film adaptation ng best-selling novel na Fifty Shades of Grey ni E.L. James.
Sa Vancouver, Canada ang kanilang location at naka-schedule itong ipalabas sa US on February 13, 2015. Mula ito sa direksyon ni Sam Taylor-Johnson.
Magbibida rito ang model-turned-actor na si Jamie Dornan as Christian Grey after na mag-backout ni Charlie Hunnam. Ang gaganap naman na Anastacia Steele ay si Dakota Johnson.
Highly anticipated ang film adaptation ng Fifty Shades of Grey dahil sa controversial and sexy storyline nito at dark characters. Predicted na maging isang box-office hit ito in 2015.