^

Pang Movies

Kris feel magka-sitcom kasama si Vic, bubuhayin ang John En Marsha!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Kris Aquino, hindi raw siya nakikialam sa relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna lalo pa nga’t alam niyang napakapribadong tao ni Bossing at alam din naman talaga sa showbiz na ayaw nitong napag-uusapang mas­yado ang personal life. Kaya nga natutunan daw niya rito kung paano tumahimik.

“Ikukuwento ko na lang, kasi Joey de Leon is our guest in the movie (My Little Bossings), it so happened na noong nasa Japan kami, he (Joey) was there at the same time at same lugar.

“Nung tinatanong ko si Vic na ‘saan siya nag-stay?’ Sagot niya, ‘Ewan ko.’ I asked, ‘Sa’n sila nagpunta?’ Sabi niya, ‘Ewan.’ ’Yung parang they’ve been close all these years pero ‘yung nitty-gritty, hin­di inaalam.

“So, kinuha ko ’yung cue ko from that. Na bawal sa kanila ’yung inuusisa. At huwag kang mangialam sa buhay nang may buhay. Kaya maganda ang samahan nila. Hindi kagaya namin ni Boy Abunda na ultimo ano’ng breakfast, sino’ng kasama that day, ilan ang appointment, ganun kami.

“So, na-realize ko, sa lalaki, iba pala. So, I really talagang tried my best to keep my place and to just know na i-career namin ang pagpapaganda nitong samahan.

“Kasi ang inisip ko na lang, sorry kung malaki ang ulo ko kasi sabi ko, puwede kaming maging John En Marsha,” say ni Kris sabay-tawa.

Na-reveal na ni Kris sa presscon na may offer na nga sa My Little Bossings na gawing sitcom pero ayaw niyang sabihin kung ano ang channel dahil hindi pa raw plantsado.

Basta ang masasabi lang ni Kris, walang kontrata si Vic sa anumang network, ganun din si Ryzza Mae Dizon, kaya puwede raw sa ibang channel. Well, could be ABS-CBN ’di ba naman?

 

BOY ABUNDA

EWAN

IKUKUWENTO

JOHN EN MARSHA

KASI

KAYA

MY LITTLE BOSSINGS

NUNG

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with