^

Pang Movies

Dahil sa pang-iisa sa komisyon, sikat na manager nauubos na ang pasensiya sa sikat na alaga

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi mauubos ang pera ng isang sikat na manager pero ang pasensiya sa sikat na alaga, pati na sa mga taong nakikialam sa career niya, eh mukhang malapit nang maubos huh!

Ayaw na sanang i-manage ng manager ang alaga nung mag-asawa dahil patakaran niya ’yon. Eh silang mag-asawa mismo ang nakiusap na huwag putulin ang pagma-manage kaya naman itinuloy niya ’yon.

Ilang beses na raw kasing naba-bypass ang ma­nager ng mga taong nakadikit sa alaga. Pati komis­yon niya eh nababawasan na hindi tulad nung dati na kumpleto ang komisyon na dinadala sa kanya. May pagkakataon din na siya ang tinatawagan ng kumukuha sa alaga at kapag pinaapruba sa alaga eh, bigla na lang naglalaho na parang bula ang halaga niya!

Mabait na tao ang manager pero kapag tinatarantado na siya eh mas malupit ang balik niya pati na bagsik ng dila ay nagkakatotoo!

Edu makikipagkulitan sa komedyante

Makikipagkulitan si Edu Manzano kay Bayani Agbayani sa episode ngayong gabi sa What’s Up, Doods? Matagal nang kaibigan ni Doods ang komed­yante kaya naman tiyak na magkakabistuhan ang dalawa sa ilan nilang sikreto sa buhay na hindi pa alam ng publiko.

Si Edu kasi ay hindi matawaran ang kahusayan sa pagiging talk show host. Kahit dry ang kanyang ini-interview eh nagagawa niya interesting ang bawat subject kaya nagagawa niyang ilabas nito ang other side ng bawat guest.

Bukod kay Bayani, tiyak na maaaliw din ang pa­ki­kipag-usap ni Edu sa kaakit-akit na model na si Kelly Misa pati na sa baguhang komedyante na si Mikey Bustos.

Pagdating sa wit and humor, wala na talagang makakapantay pa sa galing ni Edu kaya huwag pa­lampasin ang episode tonight ng What’s Up, Doods? sa Kapatid Network.

Enzo umaming pinapakinis ang singit!

Ipinakilala ng Flawless ang napili nitong fairy god­parents kaugnay ng 12th anniversary ng kilalang brand ng beauty solutions. Sila ay sina Maxene Ma­ga­lona, Jasmine Curtis Smith, Enzo Pineda, Jhong Hilario, at Divine Lee.

Present sina Maxene, Jasmine, at Enzo sa anniversary presscon ng Flawless. Mula Dec. 1-31, ninong at ninang ang drama ng mga celebrity sa mga suwerteng customer na mananatiling flawless sa buong taong 2014.

Palibhasa’y obvious ang pagiging flawless, ang ibig bang sabihin ay flawless din ang love life ng tatlo?

“Ako, flawless, flawless!” sambit ni Enzo.

Bakit flawless?

“Anong dahilan? Siguro naayos na namin (ni Louise delos Reyes) ang problem namin unlike before. Siguro naging mature na kami ngayon kaya flawless ang relationship namin whet it comes to work, personal life. Naha-handle namin siyang mabuti kaya flawless na flawless talaga,” deklara ni Enzo.

Nakatulong ba ’yung Flawless sa muli niyang pag-pictorial nang hubad?

“Hahaha! Oo naman! Kasi ang favorite na pinapagawa ko sa Flawless is ’yung Shape and Sculp kaya ako nagkaka-abs,” sabi niya.

’Yung singit ba niya pina-Flawless din niya?

“Oo naman! Pina-body scrub ko! Hahaha! Okay naman! Hanggang doon lang sa singit. ’Yun po ang totoo para kuminis,” dahilan ni Enzo.

Ayon naman kay Maxene, “Ako naman I’ve had my fair share of failed relationship but I am not saying I regret anything. I accept everything that happened to me in the past. I accept if not for those relationships I would not be that person I am today.

“My relationship may have not been flawless but the relationship I have today with my current relationship is definitely flawless!”

Eh si Jasmine?

“My life is flawless. I am just a happy person! What you see is what you get. Hahaha!” saad naman ni Jasmine na kay Sam Concepcion naman nali-link.

 

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

DOODS

EDU

ENZO

FLAWLESS

HAHAHA

NAMAN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with