Kinaawaan!

Marami ang naawa kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao dahil sa pag-freeze ng kanyang bank accounts sa utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dahil sa ginawang ito ay walang magamit si Pacman na pera para pampondo sa kanyang gagawing pagtulong sa mga biktima ng typhoon Yolanda sa Tacloban City.

Ayon sa BIR, hindi raw nabayaran ni Pacman ang kanyang mga taxes noong taong 2008-2009. May utang daw si Pacman na 2.2 billion pesos or $50 million in back taxes as of July 2013.

Nagawa tuloy ni Pacman na mangutang ng 1 million pesos para makabili ng mga supplies na siyang ipapadala niya sa mga typhoon victims dahil pinangako raw niya iyon. Mangungutang pa raw siya dahil may plano siyang tulungan ang higit na 10,000 families.

Sa paliwanag ni Pacman, nagbayad siya ng kanyang taxes sa US pagkatapos ng kanyang laban kina Ricky Hatton at Oscar dela Hoya. May treaty daw na pinagbabawal ang double taxation.

“I appeal to them to remove the garnishment so that I can move and pay for my staff’s salaries,” pakiusap pa ni Pacquiao. “I am not a criminal or a thief.’”

Sinabi pa ni Pacman na kung hindi raw siya nagbabayad ng tamang buwis sa US, sana ay inaresto na siya noong huling bisita niya roon.

“The money that was garnished by (the Bureau of Internal Revenue) is not stolen. This came from all of the punches, beatings, blood and sweat that I endured in the ring,” pagtatapos pa ni Manny Pacquiao.

Lemuel Pelayo, ‘kapit sa patalim’ kaya nag-kontrabida

Tuwang-tuwa ang model-turned-actor na si Lemuel Pelayo dahil napasama na siya sa cast ng ABS-CBN 2 teleserye na Anna Liza.

Gaganap si Lem bilang kanang kamay ng kontrabidang si Carlo Aquino.

Huling napanood si Lem sa primetime series na Kapag Puso’y Masugatan.

Okey lang daw kay Lem na gumanap na kontrabida dahil sobra siyang natsa-challenge sa gano’ng role.

“Mas gusto kong gumanap na bad boy, eh. Wala kasing limitations. Kahit na anong iarte mo puwede, basta kailangan effective ang pagiging kontrabida mo sa mga tao.

“In real life naman, mabait tayo.

“Kapag nasa labas nga ako, may mga lalapit at magsasabi na mukha naman daw akong mabait, bakit ako nagkokontrabida? Natatawa na lang ako at sinasabi ko na matindi ang mga pangangailangan ko!” sabay tawa pa niya.

Co-managed na pala si Lem ng Star Magic at ng management office niya na Mercator na pag-aari ng beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

Sex video ni Paris Hilton pinagkakakitaan na naman

Pinaninindigan ni Paris Hilton na hindi siya kumita kahit na barya-barya sa sex tape niya na balitang milyun-milyon na ang halaga.

Ni-release ang sex tape ni Paris noong 2004 na may titulong 1 Night in Paris kung saan kasama niya ang boyfriend niya noong mga panahon na iyon na si Rick Salomon.

Pinagkakitaan ni Salomon ang naturang sex video nila ni Paris na dapat ay for personal and private viewing nila lamang. Ni-report ni Salomon sa IRS na kumita siya ng higit na $10 million in profit mula sa sex video na iyon ni Paris.

Napag-usapan na naman ang sex video ni Paris dahil may isang Slovenian porn site ang pinagkakakitaan ang kanyang sex video.

Nakiusap si Paris na itigil na ito ng naturang porn site.

 

 

 

Show comments