^

Pang Movies

Pacman nakuha ang simpatya ng publiko

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang pinakamalaking issue ngayon ay ang na­ging utos ng Court of Tax Appeals na i-freeze ang mga bank accounts ni Manny Pacquiao. Ang ma­tindi pang kuwento, matapos sabihing nanalo ng malaking halaga dahil sa matagumpay niyang laban sa Macau, kailangan niyang mangutang ng isang milyong piso para matupad ang kanyang pangakong tulong sa mga biktima ng bagyong Haiyan.

Pinatunayan naman ni Bob Arum, ang may ari ng Top Rank Promotions na kinaltasan nila ng bayad sa tax si Manny at iyon ay naibayad na lahat sa IRS ng US, kaya hindi dapat nagkaroon ng problema si Manny sa ginagawang paghahabol ng BIR. Ang problema, at inamin naman niya iyon, ay kung bakit hanggang ngayon hindi nagpapalabas ng certification ang IRS. Sinabi ni Arum na iyan ay problema ng US-IRS at ng BIR. Idiniin niya na unfair ang ginawa ng gobyerno na pag-freeze ng bank account at iba pang assets ni Manny.

Simple lang naman ang pahayag ng dating mayor at ngayon ay congressman na si Lito Atienza. Kill joy daw ang BIR, at bakit naman daw hindi muna tayo magtulungan para maibangon ang bansa?

Sa lumalabas na sentimiyento ng mga mamama­yan, mukha ngang ang gobyerno ang lumalabas na kontrabida sa mga nangyayaring iyan, hindi lamang dahil sa naaawa sila kay Pacman na kumita ng malinis na pera mula sa kanyang paghihirap at halos pagbubuwis ng buhay, nagbigay ng karangalan sa ating bansa, tapos ganyan pa ang mangyayari.

Oo nga’t may sistemang legal ang pamahalaan para makasingil ng tax, pero mukhang mali lamang ang kanilang timing at sa gusto nilang sampolan. Kasi ngayon ang iniisip ng mga tao, sa halip na makapagbigay ng mas malaking tulong si Pacman sa mga nasalanta ng bagyo, dahil sa ginawa ng gobyerno hindi pa ngayon mang­yayari ang ganoon. Eh sa panahong ito, marami na nga ang nagsasabing naging inutil na ang gobyerno sa relief at rescue operations, tapos nariyan ang isang taong gagasta ng sarili niyang pera para makatulong, napigil pa dahil sa ginagawa ng gobyerno na masingil pa siya ng karagdagang tax na sinasabi namang nabayaran na niya sa Amerika.

Ang  honest opinion namin sa isyung iyan, nakuha ni Pacman ang simpatiya ng mga tao, at sumama na naman ang image ng administras­yon diyan.

Megan mamiMIgay na ng tulong

Nagbalik na sa bansa si Miss World Megan Young, dala ang nalikom niya sa mga fund campaign na kanyang pinuntahan sa US at ipinagkaloob iyon para makatulong sa mga biktima ng Haiyan. Pero marami ang nagsasabi, sana si Megan na lang ang magbigay ng tulong ng personal sa mga biktima. Baka kasi ang kanyang nakuhang donasyon ay mailagay na naman sa kung kaninong plastic bag, o baka naman mabulsa pa. Hindi ninyo masisi ang mga tao eh, lalo na nga’t lumalabas pa ang ginagawang pangangako ng iba, lalo na doon sa bigas na ibinigay galing naman sa ibang bansa, pero nakitang bumagsak sa mga “office tables” ng kung sino riyan. May mga kumalat na pictures niyan.

Pero kapuri-puri nga ang ginawang iyan ni Megan. Marami nga ngayon ang nakakapuna, mas mukhang nagsisikap pa raw ang pribadong sector na tulungan ang mga biktima ng bagyo kaysa doon sa may katungkulang tulungan sila.

Freddie Aguilar kinasuhan na rin ng child abuse

Hindi lang qualified seduction ang demanda nila ngayon kay Abdul Farid (Freddie Aguilar) child abuse na ang ginawa nilang kaso kahit na pinakasalan na niya ang kanyang menor de edad na girlfriend.

vuukle comment

ABDUL FARID

BOB ARUM

COURT OF TAX APPEALS

FREDDIE AGUILAR

HAIYAN

MEGAN

NAMAN

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with