Juday nagsalita na sa pagbubuntis!

Guess who we bumped into sa labas ng Studio 10 ng ELJ Building ng ABS-CBN, while we were on our way to Angel Locsin’s rehearsals for her number sa concert ni Enrique Gil, King of the Gil, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on Friday.

Well, Judy Ann Santos with her mom, Carol.

Bungad namin kay Carol (‘di kaagad namin namataan si Judy Ann), “buntis ba ang bunso mo?”

Bunso sa tatlong magkakapatid si Judy Ann, ‘di ba?

In any case, maliksing sagot ni Carol “Hindi.” Na sinususugan ni Judy Ann, “Wish ko lang.”

Three years old na nga naman ang bunso nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na si Lucho, at dapat lang na masundan na ito. But a Ryan admitted “We are trying. Pero wala pa.” From Judy Ann: “Well, in God’s time.”

Piolo tuloy ang pagpapa-aral sa mga batang mahihirap

Piolo Pascual has every reason to be happy. Bukod sa hanggang ngayon, he still keeps getting congratulatory remarks for a job well done in his last film with Gerald Anderson, Joel Torre, and Rayver Cruz, plus Shaina Magdayao and newcomer Dawn Jimenez, On the Job, directed by Erik Matti, heto at successful din ang kanyang yearly charitable activity, the Sunpiology Color Run, held last November 23, and participated mostly by his fellow Star Magic talent and their tagahanga.

Organized by Piolo, in cooperation with Sunlife Philippines, ginanap ang nasabing event sa Bonifacio Global Complex.

Ang proceeds ng naturang event ay mapupunta sa Herbrews Foundation ni Piolo, which now on it’s fifth year na tumutulong sa mga mahihirap na kabataan para makapag-aral.

Busy at the moment si Piolo shooting for his movie with Toni Gonzaga.

Enchong nahirapang magpatawa, panay ang retake

Like direktor Don Cuaresma, na hasa na sa mga projects na drama, Enchong Dee admitted na medyo nangapa daw siya with his comedy scenes, lalo na with top comedians, Chocoleit, K Brosas, John Sweet Lapus, and, of course, Pokwang, in the now showing comedy movie, Call Center Girl (CCG).

Mabuti na lamang daw at naging patient sa kanya ang kanyang mga eksena, direk Don included. ‘Di raw nagdalawang-isip si Direk Don to have him submit to retakes. Equally na­ging understanding sa kanya ay ang kanyang mga co-stars.

Of course may mga non-comedy scenes ang Call Center Girl. Lalo na sa eksena nila ni Jessy Mendiola, who plays the role of a daughter who felt unloved by her mom, dahil ‘iniwan’ siya nito nung bata pa para makapagtrabaho sa isang cruise ship for 13 years.

It turned out more or less, na ganun din ang kapalaran ni Enchong. Nagtrabaho rin sa abroad ang nanay niya na ginampanan ni Janice de Belen. Pero ang masakit, nag-asawa ito while abroad at nagkaroon pa ng bagong pamilya.

Sa sama ng loob ng father ni Enchong, nagkasakit ito at namatay.

Also in Call Center Girl, co-produced by Star Cinema and Skylight Films are Arron Villaflor, Dianne Medina, Alex Castro, Ejay Falcon, and Jestoni Alarcon in special appearance.

Direk Don’s last directorial job ay ang top-rating series na Ina, Kapatid, Anak.

Nikki pinipilahan ng manliligaw

Nikki Gil’s victory sa katatapos na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV as best actress for a single performance of the ABS CBN’s anthology, Maalaala Mo Kaya, titled Itlog, proves na ang kanyang showbiz career ay umaarangkada.

Already hinuhulaan na siya na in next year’s PMPC Star Awards for TV, malamang na ma-nominate naman siya as best supporting actress for her performance naman sa Ma­ria Mercedes, which Jessy Mendiola top bills.

Well for her love life, ‘di pa raw siya ready to fall in love again. Although may mga suitors naman who are willing daw to ‘fall in line’.

Reportedly ang ‘ipinalit’ sa kanya ng dating boyfriend na si Billy Crawford ay si Coleen Garcia. Ang komento lang ni Nikki, “I really don’t know her well. And I don’t care.”

Show comments