Hinahanda na ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang pagbisita sa Tacloban City pagkatapos ng kanyang pagkapanalo sa laban nila ni Brandon Rios sa Macau noong nakaraang Sunday.
Nasa plano na ni Pacman na dalawin at maghatid ng tulong sa mga tao roon. Natuwa si Pacman na sa kabila ng matinding pinsala sa naturang probinsya, nagawa pa rin ng mga tao roon na suportahan siya at abangan ang kanyang pakikipaglaban ulit.
Higit na 5,000 katao na nga ang nasawi sa bagyong Yolanda at higit na 3 million na ang nawalan ng tirahan at kabuhayan.
“I promised them that after the fight I would go to Tacloban to visit them,†sey ni Pacquiao sa kanyang interview sa Yahoo Sports.
“As soon as possible we will finalize the date, what day.â€
Nalaman ni Manny na nagtayo ng mga big screens sa plaza ng Tacloban City para mapanood siya ng kanyang mga fans doon. Malaking bagay ang pagkapanalo niya pinakita niya na ang taong bumabagsak ay may pag-asang bumangon ulit.
Tulad ng Tacloban at ilang probinsiyang napinsala ng typhoon Yolanda, hinihikayat sila ni Manny na muling bumangon at ipagmalaki na sila ay mga taong lumalaban sa pagsubok ng panahon.
Naikuwento ni Manny na noong maganap ang matinding bagyo ay nasa kalagitnaan na siya ng kanyang training. Gustuhin man niyang bumisita agad pero pinaghahandaan nga niya ang kanyang laban.
“It was very difficult for me, I felt so bad for what happened.
“I wanted to visit there but because of my training I could not, so I was just praying for them and sent my staff to bring them help.
“This fight is for the families and the people affected by the typhoon - I am just happy that God answered my prayer.â€
Ang susunod na laban ni Manny ayon sa kanyang promoter na si Bob Arum ay naka-schedule sa April 12, 2014 at sa USA ito magaganap.
Mukhang si Timothy Bradley ulit ang makaka-rematch ni Pacman. Naka-line up ulit si Juan Manuel Marquez at isang Russian boxer na si Ruslan Provodnikov.
Posible nang makaharap ni Pacman si Floyd Mayweather, Jr.
“I know it’s a fight that should happen and where there is a will there is a way,†sey ni Arum. “If all sides cut out the crap, it can be done.â€
Pyra natulungan si Thea
Pagkatapos ng tatlong buwan ay malapit nang magtapos ang afternoon drama series na Pyra… Babaeng Apoy na pinagbibidahan ni Thea Tolentino.
Maganda ang naging performance sa ratings ng Pyra. Ayon sa Nielsen Tv Audience Measurement, nanguna ang Pyra sa Urban Luzon mula August 26 to November 22. Nag-average ito ng 12.2 sa Urban Luzon at 12.6 sa Mega Manila.
Nalulungkot na natutuwa si Thea dahil sa pagwawakas ng Pyra. Nagpapasalamat lang siya sa malaking suporta ng GMA sa kanya at binigyan siya ng pagkakataon na maging isang bida sa isang teleserye.
Angelina Jolie bumili ng islang korteng puso woRth $20 million
Balitang bumili ang Hollywood actress na si AngeÂlina Jolie ng isang heart-shaped island na nagkakahalaga ng $20 million at regalo niya ito sa kanyang partner na si Brad Pitt para sa 50th birthday nito.
Located ang isla off the coastline 50 miles north of New York City. May kasama itong dalawang bahay na designed ng paborito ni Brad na si Frank Lloyd Wright.
Ayon sa Daily Mirror newspaper: “As soon as Angelina heard the island was on the market she arranged a viewing. She was really impressed.
“The house is perfect for romantic getaways or as a family retreat. It’s very private. And Angelina knows the fact it is in the shape of a heart will mean so much to him.â€
The 11-acre island is called Petra. Ang bahay doon ay gawa sa mahogany with modern furnishings.