Masayang-masaya ang kauna-unahang winner ng American Idol na si Kelly Clarkson dahil buntis na ito sa unang baby nila ng kanyang mister na si Brandon Blackstock.
Ikinasal lang last month ang dalawa at kinumpirma nga nila na pregnant na si Kelly via Twitter last Nov. 19.
The 31-year-old singer tweeted: “I’m pregnant!!! Brandon and I are so excited! Best early Christmas present ever :)â€
Hindi tinuloy ni Kelly ang kanyang performance sa Buffalo, Tennessee dahil sa kanyang nararamdamang morning sickness. Kaya ang fans ay nag-tweet ng suporta sa kanyang pagbubuntis.
Inamin naman ni Kelly sa kanyang guesting sa show ni Jay Leno na gusto na nila ni Brandon na magkaroon sila agad ng baby.
“We’re trying, trying, trying ... like rabbits! I want a little baby with little feet and I just want to bite them,†say pa ni Kelly a few weeks after niyang malaman na buntis na siya.
May dalawang anak na sa isang previous marriage ang asawa ni Kelly. Meron itong isang 11-year-old daughter named Savannah and a seven-year-old boy named Seth.
Bisita ang dalawang anak ni Brandon sa kanilang kasal ni Kelly noong nakaraang buwan. Walang problema ang singer sa pagiging stepmother niya.
“They’re so great. I never wanted kids before but now I want, like five!â€
Diego Castro ulilang lubos na
Sumakabilang-buhay noong Nov. 24 ang batikang TV and radio host, theatre thespian, and newspaper columnist na si Ms. June Keithley.
Mas nakilala si Tita June noong 1986 EDSA Revolution na isa ito sa mga nanguna sa pakikipaglaban sa Marcos administration at matapang itong naging news broadcaster para sa Radyo Bandido.
Ayon sa anak ni Tita June, ang dating teen actor na si Diego Castro, nang makapanayam namin siya via private message sa Facebook, namaalam ang kanyang ina sa St. Luke’s Medical Center at 6:45 p.m. noong nakaraang Linggo dahil sa sakit na breast cancer.
Sa naging huling panayam namin kay Diego noong nakaraang taon, ipinagdarasal niya na sana ay huwag naman muna siyang iwan ng kanyang ina dahil nauna na ngang namaalam ang kanyang ama.
Kung matatandaan ay lung cancer naman ang ikinamatay ng ama ni Diego, ang veteran news journalist and news anchor na si Angelo Castro noong April 2012.
Nabanggit din noon ni Diego na ayaw na raw magpa-chemotherapy ng kanyang ina dahil napapagod na raw ito.
Kahit daw naka-confine na sa wheelchair ang kanyang ina, marami pa itong gustong gawin. Active pa rin nga raw ito sa pagsulat ng kanyang column sa isang broadsheet.
“My mom kasi was such a workaholic. Sanay siyang laging may ginagawa,†sabi ni Diego.
“Even if I know that she’s in pain my mom never complained. She just prayed.â€
Bago naging isang aktibista si Tita June, una itong naging komedyante sa telebisyon at teatro. Isa siya sa mga nagbida noon sa sketch comedy show na Super Laff-In sa ABS-CBN noong early ’70s.
Pag-alala ni Diego na kahit maysakit ang kanyang ina, hindi nawala ang pagiging palabiro nito.
“Lagi akong alaskado kay Mommy. There’s never a day that she wouldn’t make me laugh. Minsan tatawagin niya ako and she would say something about me that would really make me laugh. ’Yun naman ang maganda kay Mommy,†dagdag pa niya.
Sa Camp Aguinaldo Cathedral nakaburol ang mga labi ni Ms. June Keithley.