Enzo magbubuyangyang sa billboard

MANILA, Philippines - Isa si Enzo Pineda sa mga Kapuso actor na mayroong magandang panga­ngatawan kaya naman sa pictorials nito para sa Bench billboard ay kitang-kita ang kaseksihan niya. Nang dalawin namin ito sa taping ng Dormitoryo kamakailan sa Tagaytay ay ipinasilip nito ang isang pictorial niya. Holiday pictorial ito pero naka-skimpy trunks si Enzo sa larawang ipinakita niya amin.

Base sa ipinakita niyang larawan, tiyak na mas daring pa ang gagawin niyang pictorial para sa summer campaign naman ng naturang brand.

“Nakita ko na ’yung peg eh. It’s simple pero sexy siya.

Napayatan daw siya sa sarili niya sa holiday campaign pictorial.

“So, honestly, I really want to bulk up, to gain more muscle.

“Alam mo ’yung parang mga international model, si David Gandy, ’yung kay JLo, ’yung Antonio Sabato, ’yung sa kanta niyang I’m Into You, iyon.

“So, hindi masyadong ma-abs pero parang ’yung Hercules-type na body, na not too big naman,” say ni Enzo.               

 

Show comments