Direktor sinibak sa pelikulang ginagawa
MANILA, Philippines - Naawa ang isang producer nang mabalitaan niyang hindi na natuloy ang pagdidirek sa mainstream ng isang direktor para sa isang major outfit. Nasimulan na ito ng direktor pero may lumabas na balitang sinibak na siya.
Wala pang malinaw na dahilan sa pagkakatsugi ng direktor. Pero merong espekulasyon ang iba lalo na sa nakaÂtrabaho na ng direktor.
Anuman ang naging dahilan ng pagkakatanggal niya, siyempre gusto lang protektahan marahil ng producer ang perang in-invest sa pelikula.
Jennylyn ayaw makasira si Gov. Vi
Tinuldukan na ni Jennylyn Mercado ang haka-haka ng mga tao na puwede silang magbalikan ng daÂting boyfriend na si Mark Herras ngayong magsasama muli sila sa 2014 offering ng GMA na Rhodora X.
“Absolutely, hindi na. Wala nang balikan. Alam ng lahat na wala akong binalikan!
“Si Mark kasi talaga, ever since, special talaga ang relationship namin. Maganda kaming naghiwalay. Maganda ’yung pinagsaÂmahan namin. Maraming magandang exÂperiences togeÂther. Maraming memories na magaganda pa rin. Hanggang ngayon, matibay pa rin ang friendship namin.
“And ’yun ’yung ipagmamalaki ko sa mga tao na, tingnan ninyo pa rin kami ngaÂyon. Okay pa rin lalo na ’yung Batch 1 (ng Starstruck). ’Yung bond namin. Hanggang ngayon, nagkikita pa rin kami,†pahayag ni Jennylyn sa interview sa kanya.
Pero hindi man sila nagkakausap ng daÂting boyfriend na si Luis Manzano, okay naman sila ng ina niyang si Gov. Vilma Santos-Recto.
“May mga bagay na…Basta ang importante, sobrang bait niya at wala akong masasabi. Malaki ang respeto ko sa kanya kasi si Tita Vi is very loÂving at napakabait na tao,†rason niya.
Kaya naman kahit hiwalay na sila ni Luis, gusto niyang panatilihin ang friendship sa inang gobernadora.
Writer na kamag-anak ni P-Noy ayaw makisawsaw sa pulitika
Kamag-anak pala ni President Noynoy Aquino si Keiko Aquino na writer ng When the Love is Gone. Hindi nga lang siya ’yung tipo ng kamag-anak na dumidikit sa pangulo.
Pero sa sarili niyang paraan, gumawa rin siya ng tulong para sa biktima ng Yolanda. Bago nangyari ang bagyo, lumipat siya sa mas maliit na bahay at nakaipon siya ng ilang kahong boxes ng damit.
“Ibinigay ko sa sister ko ’yon dahil meron silang fund-raising event. Ukay-ukay sila. ’Tapos nangyari ang Yolanda. Sabi ko sa sister ko, ‘Puwede ko bang bawiin ’yan para ibigay ko sa Tacloban?’ Hahaha! So, parang hinati ’yung boxes,†say ni Keiko sa presscon ng movie. Affected ba siya sa criticisms sa pangulo?
“I don’t want to be associated not because I want to create my own identity. Detached sa political side of my sarili,†katuwiran ni Keiko na natatawa.
- Latest