^

Pang Movies

Mga kamag-anak hindi pa mahanap, Jennylyn pupunta na sa Leyte

- Vinia Vivar - Pang-masa

We learned from Jennylyn Mercado’s manager na si Becky Aguila na naapektuhan pala ng Yolanda super typhoon ang mga kamag-anak ng young actress sa Isabel, Leyte na hometown ng biological mom niyang si Jinky at adoptive mom na si Lydia Mercado.

Marami raw sa mga kamag-anak ni Jen sa nasabing nasalantang lugar ay hindi pa makita up to now at marami rin ang nawalan ng bahay. May mga naka-survive rin pero halos kalahati ng relatives ng aktres doon ay apektado.

Say ni Tita Becky, last week pa raw ay gustung-gustong pumunta na ni Jen sa Leyte.

“Last week pa niya gustong pumunta dahil siyempre gusto niyang makita personally ang kalagayan ng mga relative niya roon sa mother side plus kung anumang maitutulong pa niya pero pinigilan ko dahil nag-aalala rin ako sa safety niya and wala nga ring way para makapunta roon.

“Pinayagan ko na siya this week and kasaluku­yan pang inaayos ang mga kakailanganin to go there. Hopefully, this Friday, makalipad siya papunta ro’n,” kuwento ni Tita Becky.

Sobrang ikinalungkot ng young actress ang natanggap na balita tungkol sa nangyari sa kanyang relatives pati na rin sa lahat ng naging biktima kaya sana raw ay maayos ang lahat para finally ay makapunta siya roon at makapag-distribute rin ng relief goods in her own little way.

They were told na may formal letters pang kailangang isumite kaya inaayos pa nila ito.

Cristine everyday kausap si Rayver, binawi rin ang sinabing PR lang ang SPLIT up nila ni Derek

After Bukas na Lang Kita Mamahalin teleserye na matagumpay na nagtapos last Friday sa Honesto naman mapapanood si Cristine Reyes starting this Wednesday.

Kaya naman masayang-masaya ang aktres kahapon sa kanyang solo presscon tendered by Dreamscape of ABS-CBN.

“Very happy ako na na-consider akong maging part ng Honesto dahil according sa kanila natapos na raw ang Bukas na Lang Kita Mamahalin and okay naman ang performance ko, kaya happy ako na pagkatapos ng Bukas na Lang Kita Mamahalin last Friday, this week, meron namang Honesto,” she said.

So, wala nang pahi-pahinga? Agad-agad, may kasunod?

“Mas gusto ko na ’yung walang pahinga kaysa puro pahinga kasi if ever naman na marami akong trabaho nakakapag-request naman ako, like for example, meron akong abroad ’pag may work ako do’n, nakakapag-request naman ako sa Viva (her management) na puwedeng mag-extend like two days, pinapayagan naman nila ako, hindi naman sila mahigpit,” sabi ni Cristine.

Gagampanan ni Cristine sa Honesto ang role ng isang nurse na siyang mag-aalaga sa karakter ni Paulo Avelino pagkatapos nitong maaksidente.

First time ni Cristine na makatrabaho si Paulo at ni hindi nga raw niya ma-recall kung nag-abot pa sila sa GMA 7 noong time na Kapuso artist pa siya.

Nagkita na sila sa taping pero dahil nga may sakit ang karakter nito, nakahiga lang daw ito at wala pa silang dialogue together.

“So, ako lang ’yung puro nagsasalita, nakahiga lang siya dun,” kuwento niya.

Hindi pa raw sila nagkikita ni Honesto (Raikko Mateo) at excited na nga siyang makita ang bagets.

Hindi pa masabi ni Cristine kung bida o kontrabida ba siya sa serye basta, aniya, malaki raw ang magiging parte niya sa buhay ni Diego.

Samantala, after the Q and A portion ay nilinaw ng entertainment press kay Cristine kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya sa Gandang Gabi Vice na press release lang na break sila ni Derek Ramsay.

“Joke lang ’yun kasi mapagbiro akong tao and hindi naman siguro kasi sanay ang mga tao na nakikita nila ako as me, Cristine Reyes na ako talaga. So, hindi talaga alam ng mga tao na playful ako and mapagbiro. Kung alam lang nila kung gaano ako kakikay. Actually, tamed pa ’yung sa TV,” she said.

So, break na talaga sila?

“Okay, to clarify, para maniwala kayo, oo. Nakakausap ko almost everyday (si Derek), si Rayver (Cruz, ex-boyfriend din niya), ganun din. Even si Rayver minsan, binibisita ko pa sa bahay nila.

“So, alam mo ’yun? Hindi porke’t nakakausap ko pa ‘yung ex ko, kami pa rin at tinatago ko ‘to. It’s just that I want to keep the friendship with them dahil hindi biro ’yung ilang taong pinagsamahan namin and ‘yung friendship, bina-value ko ’yun,” pahayag ni AA (tawag kay Cristine).

Sa ngayon daw ay wala siya talagang love life at wala pa siyang ine-entertain na suitors or nakaka-date na guy ulit.

 

 

vuukle comment

AKO

CRISTINE

CRISTINE REYES

HONESTO

LANG

LANG KITA MAMAHALIN

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with