Robin nag-apply sa GMA!

Dream-come true kay Kylie Padilla ang telefantasyang Adarna dahil first lead role niya sa primetime ito. Kaya magkahalong excitement at kaba kay Kylie nang humarap siya sa showbiz press pagkatapos ng kanilang formal launch sa Plaza Ibarra. Ano ang feeling na natupad na ang kanyang dream?

“Nakakanerbiyos po kasi ang laki-laking project itong ipinagkatiwala sa akin ng GMA 7,” sagot ni Kylie. “Big po ang budget namin at ako naman mahirap sa akin ang role ng taong ibon dahil kailangan kong paulit-ulit lumipad using a harness. But I don’t mind kasi kailangan ito sa role ko.” 

Binati ang beige long gown na suot ni Kylie na akala mo ay wala siyang suot. Iyon daw ang ni-request niya sa kanyang stylist. Kaya nataranta si Kylie nang biglang dumating ang amang si Robin na nagsabing ang ganda-ganda ng anak niya at masaya siya dahil iyon ang role na matagal na niyang gustong gawin ng anak, action. Biro pa ni Robin, mag-a-apply daw siyang tatay ni Kylie sa soap. 

Pero ang totoo, naroon siya para tanungin ang mga executive ng production kung kailan siya magsisimulang mag-taping as the father of Ada (Kylie). Nagpaalam daw sila sa ABS-CBN at pinayagan naman siya.

Tatlo ang leading man ni Kylie, sina Geoff Eigenmann, Benjamin Alves, at Mikael Daez. Kumusta namang katrabaho ang tatlo niyang katambal? 

“Comfortable po akong katrabaho sila. Si Geoff, parang pare ko, iisa ang gym na pinupuntahan namin; si Benjamin, nakasama ko na sa afternoon prime naming Unforgettable, at si Mikael matagal ko na ring kilala dahil magkasama kami sa Vidanes Management,” sagot ng aktres.

Sa Lunes na, Nov. 18, mapapanood ang Adarna sa GMA 7, pagkatapos ng Genesis. Makakasama pa rin ni Kylie sina Dante Rivero, Jestoni Alarcon, Maureen Larrazabal, Michelle Madrigal, Chynna Ortaleza, Saab Magalona, at Ryza Cenon.

Ogie nahirapang kumanta sa show ni Michael V.!

First time naranasan ni Ogie Alcasid na mahirapang kumanta. Sa pilot episode ito ng Killer Karaoke Pinoy Naman mamaya, na isa siya sa mga guest. Ano kaya ang challenge na ibinigay sa kanya ng host na si Michael V. sa TV5 at 9:00 p.m.? 

Sa direksiyon ni Mike Tuviera, ang Killer Karaoke Pinoy Naman ay franchise ng US show na Killer Karaoke. Apat ang celebrity players na tatanggap ng mga challenge mula kay Bitoy, sino kaya kina Jace Flores, Arci Muñoz, at Ritz Azul ang magtatagumpay?

Show comments