Napanood sa buong mundo banat ni Korina sinopla ni Anderson Cooper

Sumagot na si CNN reporter Anderson Coo­per sa mga tira ni Korina Sanchez sa kanya na mali-mali ang report niya at hindi alam ang sinasabi regarding sa Tacloban report na ginawa ng American journalist for CNN.

Say ni Anderson sa kanyang programa sa CNN na Anderson Cooper 360°, bakit hindi raw pumunta si Korina sa Tacloban dahil siya raw ay nanggaling doon.

“Miss Sanchez is welcome to go there and I would urge her to go there,” pahayag ni Anderson.

“I don’t know if she has. But her husband (DILG Sec. Mar Ro­xas) is the Interior minister. I’m sure he could arrange a flight.”

Kasabay nito ay ipinaliwanag ni Anderson na wala raw siyang sinasabing walang government pre­sence sa Tacloban tulad ng pagkakaintindi ni Korina.

“Miss Sanchez used to be under the mistaken impression that I said I saw no presence of Philippine government on the ground in Tacloban. I never said that. Obviously, I’ve been on the ground in Tac­loban for days.

“And, in fact, I’ve interviewed a very heroic Philippine Navy captain, Captain Santiago, who’s going out and helping people.

“I’ve seen the works that are being done and the work that isn’t being done,” paglilinaw pa ni Anderson.

Ipinakita ni Anderson ang clip ng kanyang report para patunayan kung ano talaga ang eksaktong sinabi niya.

Naging objective naman si Anderson sa nabasa niya sa news na pinayuhan ni President Noynoy Aquino ang mga foreign journalist na maging accurate sa kanilang report.

“The president of the Philippines has also counseled foreign journalists that they should be accurate in their reports and I certainly appreciate that counsel.

“Acurracy is what we strive for. I read in the paper today — this is the first time I’ve been able read the news — the president also said in his speech that the media should use our role to uplift the spirits of the Filipino people, to find stories of resilience, of hope and faith, and show the world just how strong the Filipino people are.

“I would actually say that all week long, in every report we’ve done, we’ve shown how strong the Filipino people are.

“The Filipino people, the people of Tacloban, in Samar, in Cebu, and all these places where so many have died.

“They’re strong not just to survive this storm but they’re strong to have survived the aftermath of the storm.

“They’ve survived for a week now, often with very little food, with very little water, with very little medical attention.

 â€œCan you imagine the strength it takes to be living in a shack, to be living, sleeping on the streets next to the body of your dead children? Can you imagine that strength?

“I can’t and I’ve seen that strength day in and day out here in the Philippines, and we honor them in every broadcast that we do,” pahayag ni Anderson.

Ama ni Dawn Jimenez hindi masikmurang makita ang lovemaking kay Gerald

Pagkatapos ng kanyang maseselang eksena sa pelikulang On the Job with Gerald Anderson hangga’t maari ay ayaw na muna ni Dawn Jimenez na magpa-sexy ng ganun katindi.

Feeling daw niya kasi ay hindi pabor ang kanyang ama sa mga ginawa niyang daring scenes kaya ayaw na raw muna niya. Sa mommy daw niya ay walang problema at naintindihan siya nito pero ang daddy niya ay mukhang hindi raw okay bagama’t hindi ito nagsasalita.

Up to now ay hindi pa napapanood ng ama ang pelikula dahil ayaw panoorin ang kanyang lovemaking scenes with Gerald.

Hindi naman daw niya sinasabing hindi na siya totally magpapa-sexy at kung kailangan naman daw talaga sa eksena, bakit daw hindi?

“Sa akin lang, ’wag muna siguro ulit. Sana, matagal-tagal pa bago ko ulit gawin,” giit ni Dawn.

Matatandaan ding ang mga naturang eksena sa OTJ ang naging dahilan ng break-up nila ni Albie Casiño pero no regrets naman siya sa bagay na ito.

Show comments