MANILA, Philippines - Panahon na para singilin si Gwan Woong para sa lahat ng kanyang kasamaan, ngunit tila iba ang magbabayad nito sa nalalabing episodes ng hit afternoon Koreanovela na The Love Story of Kang Chi.
Habang naghaharap ang Gobernador at si Gwan Woong, palihim na babarilin ng kanang kamay ni Gwan Woong si Kang Chi. Makikita ito ni Yeo Wool at sasaluhin ang bala para protektahan ang minamahal.
Paano sasagipin ni Kang Chi si Yeo Wool bago pa man kumalat ang lason sa katawan nito? May pag-asa pa kaya ang love story nila? Huwag palalampasin ang pagtatapos ng The Love Story of Kang Chi sa Biyernes (Nov. 15), 5:00 PM, sa ABS-CBN.